Wednesday, August 21, 2024

 Hajji Binigyang-diin ng Department of Tourism ang kahalagahan ng pamumuhunan sa industriya ng turismo nagtala ng malaking kontribusyon sa paglago ng bansa.


Sa briefing ng DOT sa Kamara para sa proposed budget na 3.394 billion pesos sa susunod na taon, sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na pumalo sa 3.36 trillion pesos ang combined tourism receipts na katumbas ng 456 percent na "return in investments".


Sa katunayan, umangat aniya sa 116 percent ang recovery o pagbangon ng bansa sa visitor receipts na mas mahalagang "barometer" kumpara sa tourist arrivals.


Kinilala rin umano ang Pilipinas bilang numero uno sa buong Southeast Asia pagdating sa domestic tourism performance kung saan 52.1 billion dollars ang naitala. 


8.6 percent ang kontribusyon ng turismo sa gross domestic product o GDP ng bansa.


Ibinida rin ni Frasco na umabot sa labing-anim na milyong Pilipino ang nagkaroon ng trabaho na may kinalaman sa turismo sa first quarter ng 2024.


Samantala, ang panukalang budget ng DOT na nakapaloob sa 2025 National Expenditure Program ay mas mataas ng 2.80 percent kumpara sa kasalukuyang General Appropriations Act.