Grace madalian lang
kinuha ko lang sa opening part
umarangkada na ang pagdinig ng kamara ukol sa malawakang pagbaha na naranasan sa metro manila at mga kalapit na siyudad at probinsya sa pananalasa ng supertyphoon carina at habagat.
pinangungunahan ito ng committee on metro manila development na pinamumunuan ni manila 2nd district representative rolando valeriano at present sa hearing ang mga kinatawan ng mga lokal na pamahalaan sa kalakhang maynila.
present mga kinatawan ng
dpwh
mmda
denr
dswd fild ofc ncr
pag asa
lgu sa metro manila
project noah
garbage contractors
sa presentation ng quezon city LGU ay pinuna ang mga perimeter walls na inilagay ng dept of pubic warks and highways na nagpasikip pa sa mga creek kaya mabilis umapaw ang tubig nito at nakadagdag sa baha.
pinuna din ng QC LGU ang maninipis at madaling nagcrack o nawasak na mga retaining walls na inilagay ng DPWH sa mga creek.
si Navotas congressman toby tiangco naman, sinisisi ang nasirang navigational floodgate kaya din grabe ang pagbahang naranasan sa navotas at mga kalapit na lugar.
sa hearing ay tiniyak naman ng mga LGUs sa metro manila na lahat sila ay naghanda para sa kalamidad at nagsagawa ng de-clogging operations, pag-upgrade ng drainage system at paglalagay ng mga foodbridges sa mga mababang lugar.
pero giit nila, masyadong malakas ang buhos ng ulan na inihatid ng bagyong carina kaya hindi naawat ang pagbaha.
#####