Wednesday, August 28, 2024

CAREER PRGRESSION SYSTEM PARA SA PUBLIC SCHOOL TEACHERS, PASADO NA SA KAMARA

Aprubado na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at pinal  na pagbasa ang panukala na magtatayo ng isang career progression system para sa mga guro sa pampublikong paaralan mula elementarya hanggang high school upang maging malinaw ang promosyon ng mga ito.

Inaprubahan ng Kamara ang House Bill (HB) No. 10270 o ang “Career Progression System for Public School Teachers Act,” ang consolidated version ng HB No. 1580 na akda nina Tingog Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre at HB 3554 na inihain ni Batangas Rep. Ralph Recto bago ito naging kalihim ng Department of Finance.


Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagpasa ng panukala na magbibigay linaw sa sistema ng promosyon ng mga guro sa pampublikong paaralan bilang pagkilala sa kanilang kakayanan at mga ginagawa sa kanilang propesyon.


Sinabi ni Speaker Romualdez na siya a nagagalak na naipasa ang panukalang ito na magsusulong sa kapakanan ng halos isang milyong mga guro sa ating public schools at ito ay magpapatunay na ang Kamara ay kaisa sa mga layunanin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. na isulong ang kapakanan ng lahat na mga sector ng lipunan.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO




Ayon kay Rep. Yedda Romualdez ang pangunahing layunin ng HB 10270 ay maitaguyod ang propesyunal na paglago at mapaganda ang kapakanan ng mga guro sa pamamagitan ng pagtaas ng kanilang suweldo upang sila ay mas mahusay na makapagturo.

 

“We hope that once enacted into law, this measure will further motivate our public school teachers to strive for excellence in teaching the country’s next generations and reward their efforts,” sabi i Rep. Yedda Romualdez.


Ang iba pang may-akda ng panukala ay sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, and Reps. Roman Romulo, Elizaldy Co, Laarni Lavin Roque, Jaime, Fresnedi, France Castro, Charisse Anne Hernandez, Ruth Mariano-Hernandez, Paolo Duterte, Leody “Odie” Tarriela, Ciriaco Gato, Jr., Maximo Dalog,Jr., Ma. Victoria Co-Pilar, Salvador Pleyto, Rhea Mae Gullas, Eriic Go Yap, Sittie Aminah Dimaporo, Eulogio Rodriguez, Irene Gay Saulog, Marie Bernadette Escudero, Dale Corvera, Maria Carmen Zamora, Carl Nicolas Cari, Marjorie Ann Teodoro, Jose Gay Padiernos, Jernie Jett Nisay, Maria Fe Abunda, Eduardo Rama, Jr., Peter Miguel, Kristine Singson-Meehan, Gabriel Bordado, Jr., Joey Salceda, Steve Chiongbian Solon, Stella Luz Quimbo, Jose “Joboy” Aquino, 

 

Reps. Dante Garcia, EddiebongPlaza, Yevgeny Vincente Emano, Bonifacio Bosita, Ma. Cynthia Chan, Alfelito "Alfel Bascug, Ron Salo, Josefina Tallado, Rachel Marguerite Del Mar, Joseph Gilbert Violago, Peter John Calderon, Mary Mitzi Cajayon-Uy, Midy Cua, Raul Angelo "JilBongalon, Jose Alvarez, Maria Rachel Arenas, Jose Maria Zubiri, Jr., Alfonso Umali, Jr. Rosanna "Ria Vergara, Juan Carlos "Arjo Atayde, Edwin Gardiola, Joseph Tan, Ricardo Cruz, Jr., Ambrosio Cruz, Jr., Ma. Rene Ann Lourdes Matibag, Arnan Panaligan, Christian Unabia, Emmarie "Lolypop" Ouano-Dizon, Anthony Rolando Golez, Jr., Emerson Pascual, Sergio Dagooc, Marissa "Del Mar" Magsino, Eleandro Madrona, Mario Vittorio "Marvey" MariƱo, Carlito Marquez, Khymer Adan Olaso, Johnny Pimentel,Geraldine Roman, Christian Tell Yap, Bai Dimple Mastura, Ramon Jolo Revilla III, Kristene Alexie Tutor, Lani Mercado-Revilla, Linabelle Ruth Villarica, Jane Castro, Noel “Bong” Rivera, Keith Micah Tan, at Camille Villar. 


Isa sa pangunahing probisyon ng HB 10270 ay ang pagbibigay ng kapangyarihan sa Department of Budget and Management (DBM) na likhain ang mga posisyong Teacher IV, V, VI, VII, at Master Teacher V at ang angkop na pagtaas sa sahod para sa mga ito.


Ang mga kasalukuyang head teacher ay bibigyan ng opsyon na manatili sa kanilang kasalukuyang posisyon o magpa-reclassify sa katumbas na posisyon.


Ipinagbabawal ng HB 10270 ang demotion ng ranggo o pagbabawas sa sahod, benepisyo, at iba pang prebelihiyo ng mga kasalukuyang empleyado na maaapektuhan sa gagawing pagbabago.


Ang mga guro ay dapat na ma-promote base sa itinakdang merito at kanilang kakayanan batay sa isasagawang Comprehensive Performance Assessment. Ang natural vacancy, quota, ratio-and-proportion na paraan ng promosyon ay hindi na rin ikokonsidera.


Kung makatatanggap ng dalawang magkasunod na grade na ineffective ang isang guro kailangan itong sumailalim sa remedial program.


Ang kakailanganing pondo ay isasama ng DBM sa taunang budget ng gobyerno, ayon sa panukala. (END)