Wednesday, July 24, 2024

RPPt Pag-alala sa Yolanda: Speaker Romualdez pinangunahan pagsaklolo sa mga biktima ng bagyong Carina


Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa tulong ng Tingog Partylist, ang pamimigay ng relief packs at financial aid sa libu-libong evacuees sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila na naapektuhan ng pagbaha dulot ng Bagyong Carina at Hanging Habagat.


Sinabi ni Speaker Romualdez na mabilis ang kanilang ginawang pamamahagi ng tulong dala ang kanilang karanasan sa Bagyong Yolanda na sumira sa mga dinaanan nitong lugar mahigit 10 taon na ang nakararaan.


“Personal naming karanasan matapos ang Bagyong Yolanda sa Leyte, mas maraming kailangang gawin ang gobyerno sa pagbalik ng mga evacuees sa kanilang mga bahay. Hindi lamang mga imprastruktura ang kailangan nating itayong muli. Kailangang maibalik ang tiwala ng ating mga kababayan sa kakayahan nilang makabangon muli,” ani Speaker Romualdez.


Nasa 7,000 pamilya o halos 30,000 indibidwal ang nabigyan ng relief pack na may lamang tatlong kilong bigas, mga de lata, kape, at iba pang bagay. Inasikaso rin ng tanggapan ni Speaker Romualdez ang pagbibigay ng tig-P5,000 cash aid sa mga biktima ng pagbaha sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


“We have initiated the distribution of relief packs since yesterday to ensure that affected citizens receive the essential supplies they need during this challenging time. Malaki ang pinsalang dala ng Bagyong Carina kasabay ng Habagat. Kailangan ang tulong nating lahat para makabangon sa trahedyang ito,” sabi ni Speaker Romualdez na ang tinutukoy ay ang relief operation ng kanyang tanggapan at nina Tingog Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre.


“Mahalaga ang tulong ng bawat isa sa atin. Ngayon kailangan ang bayanihan. Bawat kamay na tutulong, malaking kontribusyon sa pagbangon. Ang aming pagsisikap ay bahagi ng mas malaking relief operations na isinasagawa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.,” sabi ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.


Ayon kay Speaker Romualdez tinututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sitwasyon sa mga apektadong lugar at tinitiyak nito na agad na makapaghahatid ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.


Ang mga kongresista ng mga apektadong lugar ay tumutulong din umano.


“Nasa ground ang ating mga congressmen para sa disaster response. Regular silang nagpapadala ng report sa akin kung ano ang kailangang tulong ng kanilang mga constituents. Handa ang House of Representatives na tumulong hindi lamang sa disaster response kundi maging sa pagbangon ng mga komunidad,” sabi ng kinatawan ng unang distrito ng Leyte.


Ngayong araw, binisita ni Speaker Romualdez ang may 3,000 apektadong pamilya na nasa San Juan City Gym, at namahagi roon ng relief packs. Inasikaso rin ng tanggapan ni Speaker Romualdez ang pagpapalabas sa susunod na linggo ng tig-P5,000 cash assistance sa mga apektadong pamilya mula sa AKAP.


Sumunod na pinuntahan ni Speaker Romualdez ang Quezon City upang maghatid ng 2,000 relief pack sa mga biktima ng baha sa Bagong Silangan New Evacuation Center at sumunod sa Diosdado Macapagal Elementary School sa Barangay Tatalon kung saan siya naghatid ng 2,000 relief packs. Ang mga benepisyaryo ay makatatanggap din ng tig-P5,000 cash assistance mula sa AKAP sa susunod na lingoog.


Dumating din sa lugar ang Tingog Mobile Kitchen upang magbigay ng makakain.


“Each affected family will receive PHP 5,000 in financial assistance. This welfare program is a crucial component of our disaster response, aimed at helping families meet their immediate financial needs and recover from the impacts of the typhoon,” ani Speaker Romualdez.


“Ang AKAP ay bahagi ng mga programa ni Pangulong Marcos na pinapahalagahan ang lahat ng sektor ng lipunan, lalo na yung mga naging biktima ng kalamidad. By providing both immediate relief and financial aid, we aim to alleviate the suffering of our people and help them rebuild their lives,” dagdag pa nito.


Nagpasalamat si Speaker Romualdez sa mga opisyal ng iba’t ibang ahensya at mga lokal na pamahalaan at mga volunteer sa kanilang pagtulong upang maging matagumpay ang relief operation.


“Buhay na buhay ang bayanihan sa ating mga kababayan sa panahon ng sakuna at kalamidad. Maraming salamat po sa lahat ng patuloy na tumutulong sa ating pagsisikap na maghatid ng tulong sa mga biktima ng Typhoon Carina,” wika pa ni Speaker Romualdez. (END)


—————

RPPt Dalipe ikinabahala pananahimik ni VP Sara sa polisiya ni PBBM laban sa WPS, POGO



Labis na ikinabahala ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe ang pananahimik ni Vice President Sara Duterte sa mga polisiyang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa isyu ng West Philippine Sea at Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).


Iginiit ni Dalipe ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagsuporta sa posisyon ng Pangulo partikular sa mga isyu ng pambansang soberanya at kapakanan ng mga Pilipino.


“We should all be on the same boat in supporting the President, especially in relation to the West Philippine Sea issue and the controversies surrounding the POGO operations in the country,” sabi ni Dalipe. 


“President Marcos made brave and bold pronouncements during his SONA that were met with widespread approval and applause from the nation. Yet, the Vice-President's utter silence on these crucial issues raises questions about her loyalty to the country,” dagdag pa nito.


Sa kanyang SONA, muling iginiit ni Pangulong Marcos ang matatag at hindi natitinag na posisyon ng bansa na atin ang West Philippine Sea at ang kanyang desisyon na ipasara ang lahat ng POGO sa bansa dahil sa negatibong epekto nito sa lipunan at ekonomiya.


“While everyone is cheering the President for his decisive actions on the West Philippine Sea and POGO, Vice-President Duterte's lack of response is indeed troubling," pagpapatuloy ni Dalipe. “Her silence not only undermines the collective efforts of our government but also casts doubt on her commitment to the nation's best interests.”


Hinimok din ni Dalipe ang lahat ng sangay ng gobyerno, kasama na ang Bise Presidente na ihayag sa publiko ang kanilang pagsuporta sa mga polisiya ng Pangulo at ipakita ang sama-samang pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng bansa.


"In these challenging times, it is imperative that we stand together and support the President's policies that aim to safeguard our sovereignty and ensure the welfare of our people. The Vice-President's support is crucial in reinforcing our national unity and determination to address these pressing concerns,” pagtatapos ni Dalipe. (END)


————-

Anti-drug policy ni BBM, makatao, mas epektibo— House drug panel chief



Pinuri ng chairman ng House Committee on Dangerous Drugs ang pinaiiral na bloodless anti-illegal drug campaign ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. 


Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang bagong pamamaraang ito ay ganap na nagpahinto sa mga pang-aabuso ng mga dating nagpapatupad ng batas kontra sa iligla na droga na nag-aakusa, humahatol, at nagpapatupad ng parusa sa mga pinaghihinalaang drug trafficker, adik, at gumagamit ng ilegal na droga.


Sinabi pa ni Barbers na ang kasalukuyang pamamaraan ng administrasyon laban sa droga ay mas epektibo at makatao. Ayon sa kanya, nakamit nito ang higit pa sa mga inaasahang resulta nang hindi gumagamit ng extra-judicial killings.


“Ang kampanya laban sa droga nuong nakalipas na panahon ay parang “pitik bulag” na naglikha ng maraming mga naulila na pamilya, na ang mga anak o kampag-anak na suspect sa droga ay di  ipinasailalim sa batas at hustisya,” ayon sa mambabatas. 


Ayon sa mga ulat, sinabi ni Barbers na ang opisyal na bilang ay nagpakita na umabot sa 6,229 na napaslang na drug personalities sa pamamagitan ng extra-judicial killings hanggang noong Marso 2022, habang tinatayang higit sa 20,000 sibilyan ang napatay sa ilalim ng nakaraang administrasyon ayon naman sa tala ng mga human rights group.


Noong 2022, hinimok ng noo’y si outgoing President Rodrigo Duterte ang kaniyang kahaliling si Marcos Jr.  na ipagpatuloy ang giyera laban sa droga sa "kanyang sariling paraan," kung saan idineklara naman ni Marcos Jr. na mas tututukan niya ang pagpigil at rehabilitasyon ng mga nalulong sa droga, at nagsabing "ang pagpatay ay hindi kailanman bahagi ng kanyang plano."


Sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, muling ipinahayag ni Pangulong Marcos Jr., ang kanyang polisiya na magpapatuloy siyang susunod at susundin ang umiiral na polisiya laban sa iligal na droga na nakatuon sa ligal at matuwid na paraan na mas makatao at ang pagpaslang ay hindi kailanman bahagi nito.


Pinuri ni Barbers ang kasalukuyang mapayapang kampanya laban sa droga, kung saan naitala 71,500 operations, nakumpiska ang halagang P44 bilyon ng ilegal na droga, at naaresto ang 97,000 na drug personalities, kasama na rito ang higit sa anim na libo na high-value targets. Kasama rin sa mga naaresto ang 440 na empleyado ng gobyerno, 42 ang uniformed personnel, at 77 mga halal na opisyal.


Ibinunyag din ng Pangulo na ang kasalukuyang kampanya laban sa droga ay nagresulta ng freezing of assets ng mga big-time drug traffickers na nagkakahalaga ng higit sa P500 milyon, at conviction rate na 79 porsyento laban sa mga kasong isinampa sa korte para sa iligal na droga.


“On our part at the Lower House, our panel continues, and still continuing to amend Republic Act 9165 or the Dangerous Drugs Act, to refine further and identify its flaws and loopholes, to effectively carry out the government’s anti-drug campaign, particularly against protectors, coddlers and financiers,” ayon pa sa kongresista. 


Habang ang gobyerno ay nakatuon sa pag-iwas at rehabilitasyon ng mga pinaghihinalaang drug suspects, hinimok ni Barbers ang mga awtoridad na may kinalaman sa anti-drug operation na mas bigyang-pansin ang pagbawas ng suplay ng droga kaysa sa pagbawas ng demand.


“Yung mga drug addicts o mga gumagamit occasionally ay mahirap pigilan bumili kung available ito sa merkado, lalo na yung mga may pera na kabataan. Kung pipigilan at huhulihin natin ang mga ito, tama, bababa ang demand reduction. Pero kung walang supply, di na natin sila kailangan pigilin at hulihin kasi wala silang mabibili at magagamit,” ayon pa kay Barbers. 


Sa isang ulat na ginawa ng US International Narcotics Control Strategy noong 2010, tinatayang ang ilegal na kalakalan ng droga sa Pilipinas ay nasa $6.4 hanggang $8.4 bilyon taun-taon.


Dahil sa geographical location ng bansa, ginagamit ng mga international drug syndicate, na karamihan ay mga miyembro ng Chinese drug triad, ang Pilipinas bilang transit hub para sa ilegal na kalakalan ng droga. Gumagamit sila ng mga local drug syndicate at gang bilang mga "mules" para mag-transport ng droga patungo sa ibang mga bansa. (END)


————-

RPPt Kamara pormal na binuksan ikatlong regular session ng 19th Congress, para tanggapin si PBBM sa SONA nito



Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang Kamara de Representantes sa pagbubukas ng ikatlo at huling regular session ng Kamara de Representantes kasabay ng paghahanda sa joint session nito kasama ang Senado para tanggapin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at pakinggan ang kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).


Inaprubahan ng Kamara ang apat na resolusyon para sa pagsasagawa ng makasaysayang talumpati ng Pangulo kung saan inaasahang ilalahad nito ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa nakaarang mga taon at ang mga plano nito sa mga susunod na taon.


Ang Sinirangan Chamber Singers ang umawit ng Philippine National Anthem na sinundan ng doxology ng I Love Tacloban Quartet Singers.


Sa pagbubukas ng ikatlong regular session ay dumalo ang 262 miyembro ng Kamara.


Ang unang order of business ay ang pagpapatibay sa House Resolution (HR) No. 1799 upang ipa-alam sa Senado na mayroong quorum ang Kamara at nabuksan nito ang sesyon.


Sinundan ito ng pagpapatibay sa HR No. 1800 upang ipa-alam kay Pangulong Marcos na ang Kamara ay handa na upang gampanan ang mandato nito.


Ang ikatlong pinagtibay ay ang House Concurrent Resolution (HCR) No. 27, na nagpapatawag sa joint session ng Senado at Kamara upang dinggin ang SONA ng Pangulo.


Pansamantalang sinuspendi ng Kamara ang sesyon upang ipadala sa Senado ang kopya ng tatlong resolusyon at hinintay ang pag-apruba ng Senado ng mga kaparehong resolusyon.


Sumunod dito ay inampon ng Kamara ang Senate Concurrent Resolution (SCR) No. 19 upang balangkasin ang joint committee na magpapa-alam sa Pangulo na bukas na ang ikatlong regular session at handa ang dalawang kapulungan ng Kongreso para sa SONA.


Sinundan ito ng pagtatalaga ng Kamara sa komite na magpapa-alam sa Pangulo ng mga inaprubahang resolusyon. Ang mga itinalaga ay sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. and Deputy Speakers David “Jay-jay” Suarez, Yasser Alonto Balindong, Roberto Puno, Kristine Singson-Meehan, Camille Villar, Raymond Democrito Mendoza, Vincent Franco “Duke” Frasco, at Antonio “Tonypet” Albano.


Sinuspendi ang sesyon upang magawa ng komite ang kahandaan ng Kongreso na tanggapin ang Pangulo para sa SONA nito.


Matapos iulat na naipa-alam na sa Pangulo ang kahaandaan ng Kongreso, muling sinuspendi ng Kamara ang sesyon hanggang alas-4 ng hapon kung saan pormal na magsasalita ang Pangulo para sa kanyang ulat sa bayan. (END)

————-

RPPt Suporta ng Kamara sa mga magsasaka para maging masagana kanilang ani tiniyak ni Speaker Romualdez



Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang patuloy na pagsuporta ng Kamara de Representantes sa mga magsasaka upang maparami ang kanilang ani at mapababa ang presyo ng pagkain sa bansa.


Ito ang sinabi ni Speaker Romualdez sa pagbubukas ng ikatlo at huling regular na session ng 19th Congress.


Ayon kay Speaker Romualdez malugod na tinatanggap at lubos na sumusuporta ang Kamara sa pagpapatupad ng Executive Order (EO) No. 62 ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr. kung saan ibaba ang taripa sa imported na bigas mula 35 porsiyento ay gagawin itong 15 porsiyento.


“May I just add that in conjunction with the lowering of rice tariffs for the benefit of Filipino consumers, we will strive to provide all the necessary infrastructure, technological, and financial support to increase the productivity and income of our farmers,” ayon sa mambabatas.


“By augmenting the rice supply and managing prices, rice becomes more affordable and thus, accessible to all Filipinos,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara.


Sinabi pa ni Speaker Romualdez na hangarin din ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na pangalagaan ang purchasing power ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagpapababa sa presyo ng bilihin at kuryente.


Ipinunto pa ng pinuno ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan ng Mababang Kapulungan ang ulat ng Philippine Statistics Authority na bumagal ang inflation noong Hunyo sa 3.7 porsiyento mula 3.9 porsiyento noong Mayo dahil sa mas mababang gastos sa enerhiya at transportasyon.


“The amendment to the Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), which we must finish in December, is expected to further ease inflation,” ayon pa sa mambabatas.


Binanggit din ni Speaker Romualdez ang kaniyang naging pagbisita sa Japan, kung saan nakipagpulong siya kay Speaker Fukushima Nukaga at ilan pang mambabatas ng Japan upang palakasin ang kooperasyon sa depensa at seguridad ng dalawang bansa.


“During the meeting, we made a firm commitment to expand the trilateral cooperation among the Philippines, Japan, and the United States,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.


Tinatalakay din nila ang mga usaping may kinalaman sa pagkakaroon ng pantay na access ng mga produktong pang-agrikultura ng Pilipinas sa merkado ng Japan, ang Philippine-Japan Economic Partnership Agreement, tulong para sa mga proyektong pang-imprastruktura sa pamamagitan ng Official Development Assistance (ODA), proteksyon ng mga karapatan ng Overseas Filipino Workers (OFWs), at mga pamumuhunan mula sa Japan.


“This collaboration serves to fortify our bilateral relations and strategic partnership,” ayon kay Speaker Romualdez.


Bukod dito, tiniyak din ni Speaker Romualdez ang pagtugon sa mga kasalukuyang at kinakailangang usapin kabilang na ang krimen dulot ng Philippine offshore gambling operations at ang paglaganap ng iligal na droga.


Muli namang binigyan diin ni Speaker Romualdez ang kanyang paninindigan sa pag-apruba ng lahat ng prayoridad na panukala na hiniling ni Pangulong Marcos Jr. at ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).


“We, at the House of Representatives, stand united with the President in his desire to advance these legislative initiatives that will shape the nation’s path forward. This is a time for unity, and we fully support the President,” ayon sa mambabatas.


Kabilang aniya sa mga pangunahing panukalang ito ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, Philippine Self-reliant Defense Posture Program Act, Philippine Maritime Zones Act, pag-amyenda sa Right-of-way Act, amyenda sa Electric Power Industry Reform Act, Create More Act, VAT on Digital Transactions, at capital market reforms.


Ayon pa kay Speaker Romualdez, sumang-ayon ang LEDAC na isama ang Archipelagic Sea Lanes Act at lima pang mahahalagang hakbang sa pangunahing prayoridad na listahan.


“Today, I emphasize our commitment to pass the remaining priority bills before the end of the Third Regular Session. We are ready and equally determined to ensure that these critical measures are enacted to support our nation’s progress and development,” ayon sa mambabatas.


“For this purpose, I expect no less than your usual cooperation and swift action. Tulad ng ginawa natin noong First at Second Regular Session, ibubuhos natin ang lahat ng lakas at panahon para maipasa ang mga batas na kailangan ng bansa,” ayon pa sa pahayag ng pinuno ng Kamara. (END)

————-

RPPt Speaker Romualdez ipinagmalaki positibong epekto ng mga batas na inaprubahan ng Kongres, PBBM 



Ipinagmalaki ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Lunes ang positibong epekto ng mga legislative accomplishment ng Kongreso na pinagtibay ngayong 19th Congress at ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. 


“Lahat ng kailangang batas na hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa nakaraang State-of-the Nation Address, pasado na po lahat dito sa House of Representatives,” saad ni Speaker Romualdez sa mga kasamahang mambabatas sa pagbubukas ng ikatlo at huling regular session ng Kongreso. 


“We have done our homework. We addressed concerns on food security, climate change, social protection, tourism, public health, public order and safety, among others,” sabi pa niya.


“In fact, the fruits of our overarching development agenda initiatives for the past two years are now slowly being felt across the nation,” wika pa ng House Speaker. 


Patunay rito, ayon sa lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan ang matatag at magandang economic performance ng bansa sa nakalipas na taon. 


Mula ikatlong bahagi ng 2022 hanggang sa unang quarter ng 2024 lumago aniya ang ekonomiya ng Pilipinas ng 6.1 porsyento.


Katunayan sa unang quarter ng 2024, naungusan ng Pilipinas ang paglago ng ekonomiya ng Indonesia, (5.1 porsyento), Malaysia (4.2 porsyento), Singapore (2.7 porsyento), at Thailand (1.5 porsyento). 


Batay naman sa pagtaya ng National Economic and Development Authority (NEDA), lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 6-7 porsyento basta maipatupad ng tama ang mga polisiya ng pamahalaan.. 


“As a result, the country is expected to continue outperforming most emerging economies and expand further to a range of 6.5 percent to 7.5 percent in 2025,” sabi ni Speaker Romualdez. 


Hindi aniya ito malayo sa pagtaya ng mga kilalang international financial institutions gaya ng  International Monetary Fund (6.2 porsyento), Asian Development Fund (6.1 porsyento) at World Bank (5.9 porsyento). 


“I believe, dear colleagues, that the policies have all been put in place and the gains of a competent, focused, and thorough legislative process are now bringing significant improvements to our economy,” dagdag ni Speaker Romualdez.


Bunsod naman ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ang mga respetadong credit rating firm gaya ng Fitch Ratings  ay muli nitong binigyan ng  investment-grade long-term foreign currency trading  rating “BBB” ang bansa na may stable outlook. 


“This indicates the country’s robust medium-term growth and suggests a reduced credit risk. It also states that our ability to meet financial obligations is sufficient. This can be attributed, in part, to the pursuit of priorities such as the Build-Better-More infrastructure program and investments in Public-Private Partnerships,” sabi pa ng lider ng Kamara.


“Malinaw po ang estado ng ating ekonomiya. Matibay at matatag. Pinag-titiwalaan hindi lamang sa loob ng ating bansa kundi maging sa buong mundo,” giit pa nito.


Tinukoy pa ng House Speaker na ang mga napagtagumpayan ng Kamara ay nakatulong sa mga Pilipinong nangangailangan at nakalinya sa Philippine Development Plan at Eight-Point Socio-economic Agenda sa ilalim ng Medium-term Fiscal Framework of the President.


Sinabi rin ng House leader sa kaniyang mga kasamahan na mula noong first regular session noong July 2022, umabot na sa 77 national bills ang naisabatas.


Sa ikalawang regular na sesyon lamang, nasa 58 batas ang napagtibay, ito ay dahil na rin aniya sa magandang samahan upang matapos ang trabaho.


Kabilang sa mga batas na napagtibay ang mga sumusunod: Republic Act No. 12009 o  New Government Procurement Act, na naglalatag ng mahalagang reporma  para protektahan ang pambansang pondo, maalis ang korapsyon at magkaroon ng competitive at patas na procurement environment; at Republic Act (RA) No. 12010 o Anti-Financial Accounts Scamming Act, na magpapalakass a financial system sapamamagitan ng pagsawata ng pamloloko, at pagkakaroon ng tiwala sa mga konsumer, negosyo at mamumuhunan. 


Ilan pa sa mga nalagdaang batas ang Republic Act (RA) No. 11976, or the Ease of Paying Taxes, Act, Maharlika Investment Fund Act of 2023 (RA 11954), Extending the Availment of Tax Amnesty (RA 11956), One Town One Product Philippines Act (RA 11960), Trabaho Para sa Bayan Act (RA 11962), Public-Private Partnership Code of the Philippines (RA 11966);


Internet Transactions Act of 2023 (RA 11967), Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act (RA 11981), RA 11995 or Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System Act, RA 12006 o Free College Entrance Examinations Act, RA 11984 or No Permit, No Exam Prohibition Act, at RA 11997 o Kabalikat sa Pagtuturo Act. 


Inulat din ni Speaker Romualdez na 100 porsyento ng natapos ng Kamara ang lahat ng 17 panukalang batas na inilahad ni Pangulong Marcos sa kaniyang 2023 State of the Nation Address (SONA). (END)

————

RPPt Speaker Romualdez, iba pang lider ng Kamara pinuri naabot ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ni PBBM



Pinuri ng mga lider ng Kamara de Representantes, sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang naabot ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagkaroon umano ng positibong epekto sa buhay ng mga Pilipino sa gitna ng global conflicts at pagkagambala ng supply chain sa mundo.


Sa joint statement na inilabas isang araw bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos, kinilala ng mga lider ng Kamara ang pagtatag ng ekonomiya ng Pilipinas na nakapagtala ng pinakamalaking paglago sa Southeast Asia.


“Under President Marcos' leadership, our economy is thriving. We are seeing the highest growth rates in decades, which means more jobs and better opportunities for every Filipino,” sabi ni Speaker Romualdez.


Ayon kay Speaker Romualdez lumago ang ekonomiya ng bansa ng 7.6% noong 2022 at 6.4% sa unang quarter ng 2023.


Ipinunto ng lider ng Kamara na positibo rin ang pagtingin sa ekonomiya ng bansa ng mga financial institution gaya ng World Bank.


Binigyan-diin naman ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ang magandang epekto ng pag-unlad ng mga imprastraktura sa ilalim ng"Build-Better-More" program. 


“Our infrastructure projects are transforming the landscape of our nation. They are not just roads and bridges; they are pathways to a brighter future for all Filipinos," sabi ni Gonzales, ang kinatawan ng ikatlong distrito ng Pampanga.


Tinukoy ni Gonzales ang Luzon Spine Expressway Network na magpapa-ikli sa biyahe mula Ilocos hanggang Bicol sa siyam na oras mula sa 20 oras gayundin ang pagtatayo ng mga mega-bridge na mag-uugnay sa mga isla.


Binigyang diin naman ni Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David "Jay-jay" Suarez ang kahalagahan na matiyak na sapat ang suplay ng kuryente sa bansa sa hinaharap.


Ayon kay Suarez mayroong mga bagong planta ng kuryente na itinatayo at isinusulong ang paggamit ng renewable energy upang mapataas ang suplay sa bansa.


“The shift to renewable energy is a testament to our commitment to a sustainable and prosperous future. We are not just meeting today's needs but also protecting the environment for future generations," sabi ni Suarez.


Samantala, sinabi ni Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ang dedikasyon ng administrasyon na matulungan ang mga nangangailangang Pilipino.


Tinukoy ni Dalipe ang pagbuhay sa Kadiwa outlet kung saan makabibili ng murang pagkain at ang inisyatiba sa pabahay gaya ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino upang makapagpatayo ng mga murang pabahay.


“The Marcos administration is making sure no Filipino is left behind. From affordable housing to accessible food supplies, we are making tangible improvements in the lives of our people," sabi ni Dalipe. 


Sinabi naman ni Ako Bicol Rep. Elizaldy Co, chairman ng House Committee on Appropriations, na naiposisyon ni Pangulong Marcos ang Pilipinas bilang isang global investment hub. 


Ayon kay Co nakasungkit ang bansa ng malalaking investment sa mga international economic mission at pagpapalakas ng relasyong diplomatiko sa mga malalaking bansa gaya ng Estados Unidos at China.


“Our proactive approach in international relations is paying off. The investments we are attracting are creating jobs and driving economic growth, securing a better future for our nation," sabi ni Co. 


Sa kabuuan, sinabi ni Speaker Romualdez na ang mga polisiya at inisyatibang pang ekonomiya ni Pangulong Marcos ay nagdadala ng mahalaga at positibong pagbabago sa bansa, kaya ito ang nangungunang ekonomiya sa Southeast Asia. 


“We are proud of the progress we have made, and we remain committed to building a stronger, more prosperous Philippines for all. Together, we will continue to rise and overcome any challenge,” pagtatapos ni Speaker Romualdez. (END)


—————

RPPt Speaker Romualdez umaasahang mababanggit sa SONA mga tagumpay, pagpapalakas sa programa ni PBBM


Inaasahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ilalahad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes ang mga tagumpay ng kanyang administrasyon at ang paggamit sa mga ito upang lalo pang mapalakas ang mga kasalukuyang programa.


Bubuksan ng Senado at Kamara de Representantes ang joint session sa Batasan Complex sa Quezon City Lunes para ikatlong SONA ni Pangulong Marcos kung saan inaasahan na ihahayag nito ang mga naging tagumpay at plano ng kanyang administrasyon.


“I expect the President to emphasize the importance of unity among all Filipinos, highlighting how collective efforts can lead to national progress. Furthermore, I anticipate a focus on the continued and immediate delivery of essential social services to ensure that the needs of the people are met promptly and effectively,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.


“We're also looking forward to another year of follow-up on the successes and further build-ups on what we still have to continue in many programs of the Marcos administration, specifically ones that cover social amelioration benefits,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.


Nauna rito, sinabi ni Speaker Romualdez na handa na ang Kamara para tanggapin at aksyunan ang legislative agenda na ilalatag ng Pangulong Marcos sa kanyang SONA kasama na ang mga polisiya na ipapaloob sa 2025 national budget.


“The President is expected to propose new laws aimed at simplifying and improving the daily lives of our citizens, addressing issues such as economic development, healthcare, education and infrastructure,” punto ni Speaker Romualdez.


“These initiatives will be crucial in driving our country forward and enhancing the overall quality of life for all Filipinos,” paglalahad pa niya.


Agad aniyang magtatrabaho ang Kamara para maipasa ang mga kinakailangang batas upang maisakatuparan ng Pangulo ang mga pangako nito sa mga Pilipino.


Ilang oras bago ang SONA, bubuksan ng Senado at Kamara ang ikatlo at huling regular session ng 19th Congress.


Mataas na grado ang ibinigay ni Speaker Romualdez sa naging performance ni Pangulong Marcos Jr. sa nakalipas na taon dahil sa ipinakita nitong pamumuno at pagtupad sa kanyang mga ipinangako.


“His dedication and achievements are truly noteworthy,” saad niya.


Ayon pa sa kinatawan mula Leyte, nahigitan ng Kamara ang inaasahang aksyon nito matapos aprubahan ang lahat ng 17 prayoridad na panukala na binanggit ng Punong Ehekutibo sa kanyang nakaraang SONA.


Lima sa mga ito ang naging ganap nang batas, kabilang dito ang LGU Income Classification (RA 11964), Ease of Paying Taxes Act (RA 11976), at Tatak Pinoy Law (RA 11981). 


Kapwa rin nalagdaan upang maging batas noong Sabado ang New Government Procurement Reform Act at Anti-Financial Accounts Scamming Act.


Nangako rin ang House Speaker na bibigyang prayoridad ang pagtalakay at pag-apruba sa P6.352-trilyong 2025 national budget at mga nalalabi pang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) priority bills. (END)

————-

RPPt Young Guns sabik na marinig pananaw, prayoridad ni PBBM sa SONA



Habang naghahanda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, nagpahayag ang limang lider ng Young Guns ng Kamara de Representantes ng kanilang pag-asa at mga inaasahan na bibigyang prayoridad ng Punong Ehekutibo.


Binigyan-diin ni Zambales Rep. Jay Khonghun ang pangangailangan na magpatuloy ang pag-angat ng ekonomiya at makalikha ng mga mapapasukang trabaho, at matulungan ang mga maliliit na negosyo.


“I anticipate the President discussing strategies to continue with the country’s economic growth, create jobs, and foster a conducive environment for businesses and entrepreneurs. Supporting MSMEs is vital for our economy,” sabi ni Khonghun.


Sinabi naman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na mahalagang magtuloy-tuloy ang infrastructure development sa mga rehiyon upang mapatatag ang connectivity at transportation network ng mga ito.


“I am keen to hear the President’s plans for advancing our infrastructure projects, especially those that will benefit the provinces. Strengthening our connectivity and transportation networks is essential for regional development,” sabi ni Adiong.


Kung si Ako Bicol Partylist Rep. Jil Bongalon ang tatanungin, mahalaga umanong maigiit ang pangangailangan ng climate action at disaster resilience upang malabanan ang epekto ng climate change. 


“It is crucial for the President to outline concrete steps to combat climate change and strengthen disaster resilience,” ani Bongalon. “Our communities are vulnerable, and we need robust measures to protect our people and environment.”


Ang pagpapa-unlad ng sektor ng agrikultura, pagkakaroon ng seguridad sa pagkain at pagtulong sa mga magsasaka naman ang iginiit ni La Union Rep. Paolo Ortega V.


“Supporting our farmers through subsidies, modern farming techniques, and improved market access is crucial. Ensuring food security and sustainability must be a priority,” saad ni Ortega.


Iginiit naman ni 1-Rider Partylist Rep. Rodge Gutierrez ang pangangailangan ng mabuting pamumuno, paglaban sa korupsyon at pagtaguyod sa transparency at accountability sa operasyon ng gobyerno.


“I look forward to the President’s initiatives to promote good governance, transparency, and accountability. Combating corruption at all levels of government is essential for our nation’s progress,” sabi ni Gutierrez. (END)


————

RPPt Romualdez siniguro kahandaan ng Kamara na tugunan prayoridad na ilalahad ni PBBM sa SONA



Sinisiguro ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na nakahanda ang ang Kamara de Representantes na suportahan at mabilis na tugunan ang mga prayoridad na ilalahad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 22.


"The President’s SONA will provide a clear roadmap, and the House is prepared to translate this vision into tangible legislative outcomes," ayon kay Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.


Dagdag pa ni Speaker Romualdez, “We are prepared to hit the ground running and deliver on our promises to the public. The SONA will set the tone for our legislative agenda, and we are more than ready to take the necessary actions to achieve our shared vision for a better Philippines.”


Nanawagan din si Speaker Romualdez sa lahat ng mga miyembro ng Kongreso na magkaisa sa pagsuporta sa mga hangarin ng Pangulo at iginiit nag kahalagahan ng sama-samang pagkilos.


“As representatives of the people, it is our duty to work together, transcending political differences, to enact laws that will uplift the lives of our fellow Filipinos. The upcoming SONA will inspire and guide us in this noble endeavor," ayon pa sa mambabatas.


Ang pagbubukas ng ikatlo at huling regular session ng 19th Congress ay susundan ng SONA ng Pangulo.


Nauna rito ay tiniyak ni Speaker Romualdez na bibigyang-prayoridad ng Kamara ang pagpasa ng pambansang budget para sa 2025 at ang mga natitirang prayoridad na panukalang batas na tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).


Ayon pa sa mambabatas, hinihintay na ng Kamara ang iminungkahing P6.352-trilyong National Expenditure Program (NEP) na magiging batayan ng General Appropriations Bill (GAB) para sa 2025. Target itong matapos ng Kamara sa Setyembre.


Ang pambansang budget para sa 2025, na 10 porsyentong mas mataas kumpara sa P5.768 trilyon budget ngayong taon, ay katumbas ng 22 porsyento ng gross domestic product (GDP) ng bansa.


Inaasahang isusumite ng Department of Budget and Management (DBM) ang 2025 NEP sa Mababang Kapulungan sa Hulyo 29, pagkatapos ng gagawing pagsusuri ng buong Gabinete.


Batay sa 1987 Constitution, ang NEP ay dapat isumite sa Kamara de Representantes sa loob ng 30 araw matapos ang SONA.  Sa oras na maaprubahan, ito ay nagiging GAB, at magiging General Appropriations Act (GAA) kapag nilagdaan na ng Pangulo bilang batas.


Muli ring binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang pagtiyak ng Kamara na ipasa ang lahat ng natitirang mga pangunahing panukalang batas ng LEDAC.


Sa pagsisimula ng 19th Congress  noong Hulyo 2022, umaabot na sa may higit sa 12,000 panukalang batas ang naisumite at 77 panukala naman ang pinagtibay bilang batas.


Noong Sabado ay nilagdaan ni Pangulong Marcos ang New Government Procurement Reform Act or Republic Act (RA) No. 12009 at ang Anti-Financial Accounts Scamming Act (AFASA) or RA No. 12010.


Ang New Government Procurement Act ay isang mahalagang hakbang tungo sa isinusulong na transparency, kahusayan, at magandang pamamahala sa public procurement sa ilalim ng administrasyon ni Marcos.


Habang ang AFASA ay isang mahalagang batas na mangangalaga sa integridad ng mga financial system ng bansa at mangangalaga sa publiko laban sa mga panloloko at pandaraya.


Kabilang din sa mga naipasang batas ng Kongreso sa unang dalawang regular session ng 19th Congress ang Act Emancipating Agrarian Reform Beneficiaries from Financial Burden,  Act Establishing the Maharlika Investment Fund, Act Rationalizing the Disability Pension of Veterans, at ang Act Establishing Specialty Centers in Department of Health (DOH) Hospitals and government-owned and controlled corporations (GOCC) Specialty Hospitals.


Muli ring tiniyak ni Speaker Romualdez ang pangako ng Kamara na ipapasa ang natitirang tatlo sa 28 LEDAC priority bills na target na maaprubahan bago matapos ang ika-19 na Kongreso—kabilang na ang mga pag-amendya sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), ang Agrarian Reform Law, at ang Foreign Investors’ Long-Term Lease Act.


Ang pag-amyenda sa Agrarian Reform Law at sa Foreign Investors’ Long-Term Lease Act ay kabilang din sa limang bagong prayoridad na panukalang tinukoy sa naging pagpupulong ng LEDAC kamakailan at tiniyak ni Speaker Romualdez ng Kamara ang mga ito.


Una na ring inaprubahan ng Kamara sa huli at ikatlong pagbasa ang tatlong bagong prayoridad na maisabatas—ang Archipelagic Sea Lanes Act, Reforms to the Philippine Capital Markets, at Amendments to the Rice Tariffication Law. (END)

——————

RPPt Paglagda ni PBBM sa bagong procurement law, pinuri ni Speaker Romualdez


Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa paglagda nito sa New Government Procurement Reform Act (R.A. 12009), na isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapabuti ng transparency, kahusayan, at mabuting pamamahala sa proseso ng pagkuha ng mga produkto at serbisyo ng gobyerno.


“This legislation ushers in a new era of transparency, integrity, and accountability in our government's procurement processes. It reflects our unwavering commitment to the Filipino people to ensure that every peso is spent wisely and responsibly,” ani Speaker Romualdez.


Ang inamyendahang batas ay magpapabuti sa Republic Act No. 9184, upang mas mapalakas ang integridad at pananagutan sa mga proseso ng pagkuha at pagbili ng gobyerno.


Layunin nitong tiyakin na ang mga transaksyon sa government procurement ay malinaw, makatarungan, epektibo, at nagbibigay halaga sa pondo ng bayan. Palalakasin ng batas ang mga aspeto tulad ng transparency, competitiveness, efficiency, proportionality, accountability, public monitoring, procurement professionalization, sustainability, at value for money.


“The signing of the revised Government Procurement Reform Act is a landmark achievement in our commitment to uphold good governance and transparency in government transactions,” ayon pa sa pinuno ng Kamara. 


“This law will streamline and standardize procurement processes, making them more transparent and efficient, and ensuring that public funds are spent wisely and judiciously,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.


Saklaw ng bagong batas ang lahat ng sangay at ahensya ng pambansang pamahalaan, kabilang na ang mga kagawaran, tanggapan, state universities and colleges (SUCs), government-owned and controlled corporations (GOCCs), government financial institutions (GFIs), at local government units (LGUs). 


Kasama aa bagong batas ang standardization ng procurement processes at ginagamit na forms, mga kinakailangan para sa wastong pagpaplano at pagsunod sa badyet, at detalyadong mga imbestigasyon at pagsusuri bago mag-bid sa mga proyektong imprastruktura. 


Sinasaad din sa batas ang mga probisyon para sa market scoping, lifecycle assessment, at framework agreements at pooled procurement upang makuha ang mga produkto o serbisyo sa mas mababang presyo at mas mahusay na kondisyon dahil sa maramihang pagbili. Layunin ng mga probisyong ito ay upang makamit ang mas mahusay na resulta at mas mababang gastos sa pamamagitan ng mas epektibong pag-organisa at pamamahagi ng mga resources.


“The revised Act introduces essential safeguards to ensure that procurement activities are conducted with the highest standards of integrity and accountability,” ayon kay Speaker Romualdez.


Ani Romualdez ang pagsunod sa transparency measures tulad ng video recording at livestreaming ng procurement conferences, ay nagpapalago ng kultura ng pagiging bukas at pagtitiwala ng publiko.


Binigyang-diin din ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng propesyonalisasyon ng mga tagapamahala ng government procurement, bilang mahalagang bahagi ng binagong batas.


“Building a cadre of skilled and ethical procurement professionals is crucial in maintaining the integrity of our procurement system,” ayon pa sa mambabatas.


Paliwanag pa ng pinuno ng Kamara, ang revised government procurement law ay nagsisilbing patunay ng ating matatag na pangako sa pagsasagawa ng reporma at pagpapabuti ng ating mga sistema ng gobyerno para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.


“This law not only enhances the efficiency and effectiveness of procurement processes but also ensures that government transactions are conducted with the highest standards of integrity,” he added. “It addresses long-standing issues of corruption and mismanagement by introducing stringent measures for transparency and accountability.”


Ipinapaabot din ni Speaker Romualdez ang pasasalamat kay Pangulong Marcos at lahat ng mga nagtrabaho nang walang pagod upang maisakatuparan ang mahalagang batas na ito.


“Their dedication and hard work have resulted in a law that will significantly impact how we conduct government business, ensuring that public funds are used judiciously and for the greatest benefit of our citizens,” dagdag pa ng mambabatas.


Dagdag pa ni Speaker Romualdez, “Together, we are paving the way for a more transparent, accountable, and efficient government. This Act sets a new benchmark for public procurement, reflecting our collective resolve to serve the Filipino people with honesty and dedication. It is a crucial step towards building a government that the public can trust and rely on.” (END)