Hajji Nagpaliwanag ang Department of Budget and Management hinggil sa mas mababang alokasyon ng ilang sektor sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Batay kasi sa 2025 National Expenditure Program na isinumite sa Kongreso, 230.1 billion pesos ang inilaan sa Department of Social Welfare and Development na mas mababa kumpara sa 248.1 billion pesos na nakapaloob sa 2024 General Appropriations Act.
Mas mababa rin ang budget ng agriculture sector na nasa 211.3 billion pesos kumpara sa 221.7 billion pesos ngayong taon.
Samantala, ang health sector naman ay 297.6 billion pesos para sa 2025 at ang 2024 GAA nito ay 308.3 billion pesos.
Paliwanag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, mas mataas pa rin ang budget proposal kumpara sa NEP ngayong taon at kasama na sa GAA ang mga idinagdag o ibinawas ng mga mambabatas nang talakayin ang pambansang budget.
Sa katunayan, kung pag-uusapan ang social protection programs ay tinaasan ng DBM ang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program na may 114.2 billion pesos sa 2025 o mas mataas ng 7.4 percent.
Ang social pension para sa mahigit apat na milyong indigent senior citizens ay tatanggap ng budget na 49.8 billion pesos habang ang Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS ay may 35.2 billion pesos para sa mahigit anim na milyong benepisiyaryo.