Wednesday, July 24, 2024

Grace Umaasa si House ways and means committee chairman and Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na hindi maaapektuhan ang buong internet gaming licenses (IGLs) ng pagbabawal ni Pangulong Ferdinand bongbong marcos jr sa lahat ng Philippine offshore gaming operators (POGO) sa bansa.


paliwanag ni Salceda, ang POGO ay ang koleksyong nakukuha mula sa POGO ay maliit na bahagi lamang ng nakokolekta ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) revenues mula sa IGLs.


binanggit ni Salceda na ang lahat halos ay maaring maglaro at gumamit ng IGL o internet gaming.


Kaya panawagan ni Salceda sa gobyerno, tutukang mabuti ang pagkakaiba ng IGLs sa POGO.


narito ang bahagi ng pahayag ni Representative salceda…


video 1

IN… The key there is that Pogo is just part, small part of a bigger pie called IGL, which is the internet gaming licenses….OUT


video 2

IN…. so ang ibig sabihin n’yan, I hope they find a way of banning Pogo without having to affect the IGLs… OUT



Bago ang SONA ni PBBM ay magugunitang ilang ulit na iginiit ni salceda, na mas mabuting panatilihin ang mga lisensyadong POGO kung saan nakakakolekta ang pamahalaan at tugisin o ipasara lamang ang mga ilegal na POGO.

######


————

Grace sisiguraduhin ni House Appropriations Committee and AKO Bicol partylist represenatative Elizaldy Co na mapopondohan ang lahat ng mga isinulong ni Pangulong ferdinand bongbong marcos jr sa kanyang katatapos na ikatlong state of the nation address.


kaugnay nito ay tiniyak ni Co ang paghahanap ng mapagkukunan ng pondong mawawala dahil sa deriktiba ni pangulong marcos na total ban ng Philippine offshore gaming operations (POGO).


ikinalugod ni Co na pinakinggan ng pangulo marcos  ang malakas na panawagan ng mamamayang Pilipino na alisin ang lahat ng POGO sa bansa.


pangunahin ding binanggit ni CO ang paglalaan ng pondo para mabigyan ng training at resources ang mga otoridad sa pagtugis sa mga drug lords at drug pushers.


tugon ito ni Co, sa inihayag na paninindigan ni pangulong marcos sa SONA laban sa pagkitil bilang bahagi ng war on drugs.

####


Hajji Umaasa si House ways and means committee chairman and Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na hindi maaapektuhan ang buong internet gaming licenses (IGLs) ng pagbabawal ni Pangulong Ferdinand bongbong marcos jr sa lahat ng Philippine offshore gaming operators (POGO) sa bansa.


paliwanag ni Salceda, ang POGO ay ang koleksyong nakukuha mula sa POGO ay maliit na bahagi lamang ng nakokolekta ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) revenues mula sa IGLs.


binanggit ni Salceda na ang lahat halos ay maaring maglaro at gumamit ng IGL o internet gaming.


Kaya panawagan ni Salceda sa gobyerno, tutukang mabuti ang pagkakaiba ng IGLs sa POGO.


narito ang bahagi ng pahayag ni Representative salceda…


video 1

IN… The key there is that Pogo is just part, small part of a bigger pie called IGL, which is the internet gaming licenses….OUT


video 2

IN…. so ang ibig sabihin n’yan, I hope they find a way of banning Pogo without having to affect the IGLs… OUT



Bago ang SONA ni PBBM ay magugunitang ilang ulit na iginiit ni salceda, na mas mabuting panatilihin ang mga lisensyadong POGO kung saan nakakakolekta ang pamahalaan at tugisin o ipasara lamang ang mga ilegal na POGO.

######


———

Hajji Perfect score na 10 out of 10 ang ibinigay na grado ni Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr. kay Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ikatlong State of the Nation Address o SONA.


Ito'y matapos ianunsyo ni Pangulong Marcos na simula sa araw ng SONA ay banned na ang Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.


Sinabi ni Abante na isang anti-gambling advocate na sumobra na ang mga aktibidad ng POGO at lumayo na sa "gaming" tulad ng financial scamming, money laundering, prostitusyon, human trafficking, kidnapping, brutal torture at murder.


Panahon na aniya para matigil ang pang-aabuso at kawalan ng respeto sa mga batas ng bansa.


Punto ni Abante, malinaw sa naging utos ng pangulo na walang lugar ang ilegal na industriya sa Bagong Pilipinas.


Umaasa rin si Abante na ipagpapatuloy ng administrasyong Marcos ang pagsusulong ng investments na lilikha ng trabaho at kabuhayan na hindi nagmumula sa kasamaan na sumusuporta sa pagsusugal.


Bukod sa pagsisiguro na may malilipatang trabaho ang mga Pilipinong POGO workers, iginiit ng kongresista na dapat i-monitor ng gobyerno ang implementasyon ng direktiba upang agad na kumilos ang PAGCOR.


Sakaling hindi umabot sa itinakdang deadline at mayroon pa ring operasyon ng POGO, kailangan umanong panagutin ang mga responsableng opisyal.

————

Hajji Magkakasa pa rin ng "Counter-State of the Nation Address" si Albay Representative Edcel Lagman sa kabila ng pagpabor sa ilang mga ipinunto ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ikatlong SONA.


Ayon kay Lagman, "well-delivered" ang SONA ni Pangulong Marcos at sumasang-ayon sa ilang major policy statements tulad ng pagtataguyod sa sovereign rights sa West Philippine Sea.


Gayundin ang pag-review at pag-amiyenda sa Electric Power Industry Reform Act o EPIRA at ang total ban sa lahat ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa pagtatapos ng 2024.


Sinabi ni Lagman na kulang pa ang mahahalagang detalye ukol sa implementasyon ng mga naturang polisiya.


May mga tinutulan din ang kongresista sa mga inilatag ng pangulo sa ekonomiya, kahirapan, agrikultura, food security, edukasyon, trabaho, sustainable human development at karapatang pantao.


Kaya naman mainam pa rin umano na magkaroon ng Counter-SONA kung saan tatalakayin nito ang mga nabanggit na isyu.