Thursday, July 25, 2024

 𝗠𝗮𝗿 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗠𝗲𝘁𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁. 𝗞𝗶𝗻𝗼𝗻𝘃𝗲𝗻𝗲 𝗻𝗶 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗴𝘀𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗿𝗶𝗻𝗮


IPINATAWAG ni Manila 2nd Dist. Cong. Rolando "CRV" M. Valeriano ang mga ahensiya ng pamahalaan matapos nitong agarang i-convene ang House Committee on Metro Manila Development para i-asses ang sitwasyon ng mga pagbaha sa iba't-ibang lugar Kalakhang Maynila.


Agad na ipinatawag ni Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila, Development, ang pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang magbigay ng kanilang assesment hinggil sa kasalukuyang sitwasyon ng matinding pagbaha dulot ng bagyong Carina partikular na sa Metro Manila. 


Ayon kay Valeriano, kinakailangang magbigay umano ng paliwanag ang mga ahensiya ng pamahalaan lalo na ang MMDA at DPWH kung bakit hindi aniya kinaya ng "flood control systems" ang pagbuhos ng ulan ng bagyong Carina lalo na sa Metro Manila gaya ng Quezon City at Marikina na matinding nasalanta dahil sa baha.


Dahil dito, pagdidiin ni Valeriano na bagama't maituturing na "record breaking" ang pagbuhos ng tuloy-tuloy o "non-stop" na pag-ulan. Subalit kinakailangan parin na nakahanda ang MMDA at DPWH sa mga ganitong scenario sa tuwing may papasok na malakas na bagyo sa Pilipinas. 


"Una po sa lahat, kailangang magbigay ng paliwanag ang ating mga ahensiya ng gobyerno gaya ng MMDA at DPWH kung bakit hindi kinaya ng ating mga flood control systems ang buhos ng ulan na dala ng bagyong Carina. Totoo na ito ay record breaking pero dapat ay lagi tayong nakahanda sa mga ganitong sitwasyon," sabi ni Valeriano.


Pagdidiin pa ng kongresista, sa mga sitwasyong nagbigay na ang PAGASA at NDRRMC ng babala patungkol sa paparating na malakas na bagyo katulad ng Ondoy at bagyong Yolanda. Dapat aniya ay asahan na ng MMDA at DPWH ang pinaka-malubhang kalagayan na mangyayari sa Metro Manila gaya ng matinding pagbaha dulot ng malakas na ulan.


"Expect the worst lagi. Ika nga, ang ating dapat benchmark ay ang super typhoon na gaya ng Ondoy dahil sa dami ng dalang ulan at Yolanda sa lakas naman ng dala nitong hangin," wika pa ng mambabatas. 


Sabi pa ni Valeriano, bukod sa DPWH at MMDA, inaasahan din nito ang pagbibigay naman ng iba pang ahensiya ng gobyerno ng kanilang presentation kaugnay naman sa paghahatid nila ng tulong para sa ating mga kababayan na sinalanta nv bagyong Carina. 


To God be the Glory

_______