Wednesday, September 21, 2022

WALANG KWENTANG SERBISYO, HINDI PAGSUNOD SA MGA PAMAMARAAN NG PAMAHALAAN NG ISABELA COOPS 1 & 2, INIMBESTIGAHAN NG KAPULUNGAN

Nagsagawa ngayong Lunes ng unang deliberasyon ang Komite ng North Luzon Growth Quadrangle sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Ilocos Norte Rep. Angelo Marcos-Barba, hinggil sa House Resolution 367, na humihimok sa Komite na imbestigahan ang nagawa ng Isabela Electric Cooperatives 1 (ISELCO 1) at 2 (ISELCO 2), gayundin ang HR 333 na humihimok sa Komite ng Enerhiya na magsagawa ng pagsisiyasat sa suplay ng kuryente sa Isabela.  


“One of the main thrusts of our President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. is his campaign and advocacy for the importance of power and how it is operating and maintaining our homes, our families, our communities, our cities and municipalities,” ani Barba.  


Gamit ang sikat na Bangui Windmills ng Ilocos Norte bilang background, upang ipahiwatig ang patuloy at hindi nauubos na enerhiya sa North Luzon, sinabi ni Barba na kailangang matandaan na ang windmills ay mga konkretong paalala din para sa mga mambabatas, upang tumulong sa Pangulo na maisakatuparan ang green transition.  


“Equally important in fulfilling this aspiration is to ensure that our efforts in making the energy sector in our provinces be of great benefit to our constituents. In line with this, may we always strive to provide and conserve renewable and sustainable energy and energy sources,” dagdag niya. 


Habang nasa pagdinig, nagtanong sina Isabela Rep. Faustino “Inno” Dy at Antonio “Tonypet” Albano kay Atty. Catherine Rosete, general manager ng ISELCO1. 


Tinanong ni Dy ang tungkol sa labis na koleksyon ng ISELCO 1. “Gusto ko lang po itanong Attorney, ano naging action ng ISELCO 1 dito base kasi sa desisyon ng ERC mula pa ho noong December 2019 is that ISELCO 1 was directed to refund the amount of P166,275,589.00 on the generation rate and an additional P13,763,473.00 on the transmission rate,” ani Dy.  


Ayon kay Rosete, alam ng ISELCO 1 ang nasabing utos ng ERC at naghain ito ng motion for consideration sa ERC. Nakabinbin pa ang mosyon, ngunit nakapagsauli na ito ng mga labis sa nakolekta, ani Rosete. 


Samantala, tinanong ni Albano si Rosete tungkol sa kanilang pagsunod sa mga pamamaraan, tulad ng isang aprubadong resolusyon ng lupon mula sa ERC, bago magpatuloy sa isang proyekto. 


“But this is no reason to proceed with certain projects without ERC approval,” ani Albano.  Nakasaad sa HR 367 na ang mga lokal na pamahalaan sa lahat ng antas sa lalawigan ng Isabela ang nasisisi sa dumaraming reklamo mula sa mga may-aring kasapi, dahil sa hindi magandang mga serbisyo ng ISELCO 1 at ISELCO 2 batay sa madalas na pagkawala ng kuryente, hindi makatuwirang taas na halaga ng mga singil sa kuryente , di-makatuwirang pagpapataw ng mga singil sa serbisyo nang walang paliwanag sa mga mamimili, o hindi aprubado ng ERC, at ang matigas na pagtutol sa utos ng NEA na isauli ang over recovery sa mga kasaping mga mamimili ayon sa HR 367. 


Nagkaisa namang sumang-ayon ang Komite na pagtibayin ang mosyon na inihain ni Mountain Province Rep. Maximo Dalog Jr. na ang mga nasabing resolusyon ay pangunahing isangguni sa Komite ng Enerhiya, at pangalawang isangguni sa Komite ng North Luzon Growth Quadrangle, at upang higit pang magsagawa ng magkasanib na pagpupulong hinggil sa mga nasabing usapin.