Friday, September 23, 2022

UGNAYANG PILPINAS-US NANANATILING MATATAG SA PULONG NINA BIDEN-MARCOS – SPEAKER ROMUALDEZ

Sinabi ni Speaker Martin G. Romualdez noong Huwebes ng hapon (oras sa US), na ang ugnayan at pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos ay magpapatuloy na matatag, matapos ang pagkikita nina US President Joe Biden at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


“The productive meeting augurs well for the overall relations between our two countries,” ani Romualdez, na kasama ni Pangulong Marcos sa kanyang pulong kay President Biden Huwebes ng umaga (Huwebes ng gabi sa Manila).


Sinabi ni Romualdez na ang US ay isang “major partner and ally” ng Pilipinas, sa usaping pang-ekonomiya, depensa, kultura, at kooperasyon sa pamuhunan.


“I can see the meeting fostering an improved bilateral partnership in those areas,” aniya.


Muling inulit ni Speaker ang panawagan ng Pangulo sa mga Amerikanong mamumuhunan na maglagak ng kanilang mga negosyo sa Pilipinas.


“We need more investments to create jobs and income and improve the lives of our people,” ani Romualdez.


Sinabi niya na may ilang lugar kung saan ang mga kompanya sa US ay maaaring mamuhunan, tulad ng pagmamanupaktura, riles, at iba pang imprastraktura, kuryente, at mga proyektong private-public partnership.


“As President Bongbong Marcos has said, we now have an improved investment climate in the Philippines,” giit niya.


Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang mga pangunahing pinagkukunan ng foreign direct investments (FDIs) ng bansa ay ang mga bansang Singapore, Japan, Estados Unidos at ang Netherlands.


Iniulat ng BSP ang mataas na tala ng FDI inflows na nagkakahalaga ng $10.518-bilyon noong 2021, na sinabing naglalarawan ito ng pag-unlad sa pamumuhunan, habang ang bansa ay nagsisimulang bumawi mula sa pandemyang dulot ng coronavirus disease-19 (COVID-19).


Sinabi ng BSP na nilampasan ng 2021 inflows ang sinundang mataas na $10.3-bilyon noong 2017.


Iniulat rin ng banko sentral na ang FDIs sa pagitan ng Enero at Mayo ngayong taon ay umabot sa $4.2-bilyon, 18.8 porsyentong mas mataas sa nakatalang antas sa parehong panahon noong nakaraang taon.


Sa kabila ng mga kaunlaran sa FDI inflows, sinabi ni Romualdez na higit pang kailangan ng Pilipinas ang marami pang pamuhunan mula sa Estador Unidos, at iba pang mga partner sa ekonomiya nito. 


“We have to attract more foreign capital because we are a bigger market than other smaller nations in our region,” aniya.


Sinabi ni Pangulong Marcos sa mga negosyante sa US na hindi niya lubos maisip ang kinabukasan ng Pilipinas kung wala ang Estados Unidos bilang ating partner.