Thursday, September 22, 2022

SINAMAHAN NI SPEAKER ROMUALDEZ SI PBBM SA PAKIKI-PAGPULONG NITO SA MGA OPISYAL NG WORLD BANK SA NEW YORK CITY

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr., sa mga opisyal ng World Bank (WB) sa New York City Miyerkules ng hapon, na sina Mr. Erivaldo A. Gomes, WB Executive Director for the Philippines; at Ms. Manuela Ferro, WB Regional Vice President on East Asia and the Pacific.


Si Pangulong Marcos ay sinamahan nina Speaker Martin G. Romualdez, House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander A. "Sandro" Marcos III, Special Assistant to the President Sec. Antonio F. Lagdameo, Trade and Industry Sec. Alfredo E. Pascual, Philippine Ambassador to the Philippines Jose Manuel Romualdez, at Finance Sec. Benjamin E. Diokno, National Economic and Development Authority Sec. Arsenio Balisacan, at Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Felipe Medalla.


Samantala, sinamahan din ni Speaker Romualdez si Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta Marcos sa isang pagpupulong kay dating British Prime Minister Tony Blair Miyerkules ng umaga, matapos dumalo ang Punong Ehekutibo bilang panauhing pandangal sa 77th United Nations (UN) General Assembly sa New York. 


Nagpaabot si Romualdez ng taos-pusong pakikidalamhati kay Blair sa pagpanaw ni Her Majesty, Queen Elizabeth II.


Nauna nang nagpahayag ang Kamara de Representantes sa pamumuno ni Romualdez ng pakikiramay kay His Majesty, King Charles III, sa royal family, sa mga mamamayan ng United Kingdom ng Great Britain at ng Northern Ireland, sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II.