Wednesday, September 21, 2022

PANUKALANG RICE SUBSIDY PARA SA MGA PRIVATE SECTOR EMPLOYEES, ISINUSULONG SA KAMARA

Panahon na para aksiyunan ng Kongreso ang mga panukala para mabigyan din ng allowance ang mga empleyado sa pribadong sektor.


Sa House Bill 1296, isinusulong ni Congressman Wilbert Lee ng AGRI Partylist na mabigyan ng rice allowance ang mga private sector employees at pwedeng pagtibayin ang partnership sa pagitan ng mga magsasaka.


Ayon kay Lee, kapag naisabatas ang panukala, malaking bagay ang rice allowance sa mga private sector employees habang matutulungan ang kabuhayan ng mga magsasaka dahil maibebenta ang kanilang ani.


Sa ilalim ng bill, sasailalim sa “corporate farming agreements” ang mga  korporasyon para makapaglaan ng 600-kilograms ng bigas o mais sa bawat empleyado o katumbas ng 50-kilos kada empelyado bawat buwan.


Una rito, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na hahanapan ng gobyerno ng alokasyon para mabigyan ng rice allowance ang mga government employees at makatulong sa kanilang gastusin.


Katuwiran ni Lee, “sana all…kung meron rice allowance sa mga empleyado ng gobyerno, dapat meron din sa mga private sector employees.