Aprubado na sa Mababang Kapulungan sa third and final reading ang panukalang batas House Bill No.4673 ang pagpapaliban sa 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Itinakda ang synchonized Barangay at SK Elections sa unang Lunes ng December 2023.
Ayon sa pamunuan ng Kamara ang pag apruba sa naturang panukala ngayong araw ay patunay na on track sila sa kanilang agenda na aprubahan ang House Bill 4673 bago mag October 1,2022 at para mapirmahan na rin ito ng Pangulong Bongbong Marcos bago ang December 5,2022 barangay and SK elections.
Sa sesyon ngayong araw, 264 lawmakers ang bumoto pabor, anim ang hindi pabor at tatlo ang nag abstained sa House Bill No. 4673 or An Act Postponing the 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections kung saan inamyendahan ang RA No. 9164 kung saan inaatrasan na gawing every three years ang halalan.
Ang nasabing panukalang batas ay consolidated version na ng mahigit 30 bills.
Kabilang sa mga bumoto na hindi pabor ay mga lawmakers mula sa Makabayan bloc na naniniwala na ang pag delay sa barangay elections ay paghadlang sa right to suffrage ng mga mamamayan.
Hindi rin pabor si Albay 1st District Rep. Edcel Lagman, na ipagpaliban pa ang halalan kaya bumoto ito ng no dahil wala siyang nakikitang credible reason na idelay ang barangay and SK elections.