Hinikayat ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Marcos administration na simulan na ang gas exploration sa West Philippine Sea, partikular sa Recto Bank.
Ayon sa mambabatas, hindi na dapat pansinin pa ng pamahalaan ang protesta ng China dahil tututol aniya talaga ito sa mga exploration kahit hindi naman bahagi ng kanilang teritoryo ang lugar.
“They will always protest even if the exploration areas are not part of their territory. They are the interloper there.” diin ng mambabatas.
Mahalaga ani Rodriguez na masimulan ang exploration sa Recto bank sa bahagi ng Palawan dahil sa malaking natural gas deposit nito na higit pa sa Malampaya.
Paalala ng mambabatas na unti-unti nang nauubos ang suplay ng gas sa Malampaya at kapag nangyari ito ay tiyak na tataas ang singil sa kuryente sa Luzon.
“Let’s do it, let’s look for gas and oil in the WPS, especially in Recto Bank off Palawan, which reportedly holds natural gas deposits that are bigger than those in Malampaya, which by the way is drying up in a few years,” saad ni Rodriguez.
Kung nanaisin man aniya ng China na makibahagi sa oil at gas exploration ay maari sila maging sub-contractor.
Ayon kay PNOC-EC president at chief executive officer Franz Alvarez, nais ng ahensya na umusad ang exploration sa Isabela at Palawan ngunit hindi kasama dito ang Recto Bank.
Taong 2018 nang subukang ayusin ng nakaraang Duterte administration ang isang joint exploration agreement kasama ang China nungit ibinasura rin bago bumaba sa pwesto noong Hunyo.