Wednesday, September 21, 2022

MGA NEGOSYANTE SA AMERIKA, HINIKAYAT NI SPEAKER ROMUALDEZ NA MAMUHUNAN SA PILIPINAS

Humiling ng suporta si House Speaker Martin Romualdez sa mga negosyante sa Amerika na mag invest sa Pilipinas para suportahan ang mga programa ni Pangulong Ferdinand

“Bongbong” Marcos Jr., ang palaguin ang ekonomiya ng bansa. 


Binigyang-diin ni Romualdez na hinog na ang Pilipinas para tumanggap ng mga investments.


Ginawa ni Romualdez ang pahayag matapos dumalo ang Pangulo at nagbigay ng talumpati sa New York Stock Exchange economic

forum na dinaluhan ng Philippines and US-based business leaders.


Siniguro naman ng Chief Executive ang malaking oportunidad at isang masiglang ekonomiya para sa mga investors na mag-invest sa Pilipinas.


Nagpasalamat naman si Romualdez sa pagkakataon na ibinigay ng mga US businessmen sa Marcos administration at sa pagkunsidera nila sa agenda at vision ng Pangulo.


Siniguro ni Speaker na lalo pang palalawakin ng Pilipinas ang economic partnership nito sa mga negosyante at lalo pang lalakas ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika.


Tiniyak naman ni Speaker sa mga mamumuhunan na ang House of Representatives ay patuloy na nagsusumikap upang mapagaan ang pagnenegosyo sa Pilipinas at magiging conducive ang kapaligiran sa negosyo at magpapaunlad ng ekonomiya.


Ibinunyag din ni Speaker na nagkaroon ng mga series of meetings ang Pangulo sa mga malalaking business firms sa Amerika.


Binigyang-diin naman ni Romualdez na kailangan ng maraming trading partners ang bansa para maisakatuparan ang ang infrastructure modernization program ng Pangulong Marcos na siyang pinaka susi sa paglago ng ekonomiya.


Una ng inihayag ni Speaker na mataas ang kaniyang inaasahan sa pagbisita ng Pangulo sa Amerika.