Wednesday, September 21, 2022

KARAGDAGANG PONDO NG 2023 BADYET NG DOH, HINILING NG MAMBABATAS NA MADAGDAGAN PARA SA CANCER AWARENESS AT PREVENTION

Hiniling ngayong Lunes ni Rep. Linabelle Ruth Villarica (4th District, Bulacan) sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH) na maghanda ng karagdagang pondo sa kanilang 2023 panukalang badyet para sa cancer prevention at awareness. 


Sa kanyang privilege speech sa breast cancer awareness, sinabi ni Villarica na dapat na pagtuunan ng pansin ang nakararaming kababaihan na nagtatrabaho sa industriya ng business process outsourcing (BPO) industry, na mas nanganganib dahil sa kanilang oras ng trabaho sa gabi. 


Kanyang sinabi na bukod sa nakatalagang panganib na may kaugnayan sa reproductive cycle ng kababaihan, ay may mga indikasyon rin na ang mga babae na nagtatrabaho sa gabi ay nahaharap sa 60 porsyentong mas mataas na panganib na magkaroon ng breast cancer, kaysa sa mga hindi nagtatrabaho sa gabi. 


“As per data from the International Labour Organization (ILO) way back in 2016, the BPO industry in the Philippines that had already reached 1.3 million was already composed of 53.2 percent women,” aniya. 


Bilang pangulo ng Association of Women Legislators Foundation Incorporated (AWLFI), sinabi ni Villarica na patuloy na isinusulong ng AWLFI ang breast cancer awareness dahil sa nakakaalarmang ulat ng dalawang usapin ng breast cancer sa bansa. 


“While it is prevalent, it is often diagnosed only when it is already at its latter stages,” aniya. Binanggit ni Villarica na ang National Integrated Cancer Control Act (NICCA) ay nagsusulong ng “our commitment to the establishment of a cancer control policy in every workplace”. 


Sinabi niya na ang kapansin-pansin sa NICCA ay ang ayudang pondo para sa kanser na dapat na paglaanan ng sapat na badyet, upang makatulong sa pambayad sa paggagamot, at palawigin pa ang mga benepisyo mula sa PhilHealth para sa kanser at suporta sa mas malaking kampanya para sa cancer awareness.