Agrikultura ang isa sa tututukan ni AGRi Party-list Rep. Wilbert Lee oras na maisalang na sa plenaryo ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Ani Lee, bahagi ng kanyang magiging interpellation sa budget ang kinakailangang reporma, pasilidad at imprastraktura para mapataas ang produksyon at kita ng mga magsasaka, mangingisda at iba pang mga manggagawa sa sektor.
Kasama dito ang pagsigurong maipagkakaloob ang sapat na pondo para sa repair and rehabilitation ng irrigation systems, farm-to-market roads, post-harvest facilities at pag-modernize sa mga equipment.
Aktibo rin aniya niyang isusulong na ibalik ang mga kinaltas na pondo para sa mga serbisyo tulad ng Libreng Sakay Program.
“Rest assured that we in the minority will continue to scrutinize the budget. Gusto natin na ang pera ng taumbayan ay talagang maghahatid ng benepisyo sa taumbayan, imbes na dagdag na pasanin, lalo na sa mga nasa dulo ng lipunan." Ani Lee.
Para naman kay Deputy Minority Leader Bernadette Herrera, kaniyang bubusisiin sa budget deliberations ang earmarked revenues, off budget accounts, unprogrammed funds at mga unobligated allotments.
Ngayong hapon sa sesyon sa Kamara ay nabasa na sa plenaryo ang 2023 proposed budget bilang House Bill 4488.
Bukas ay sisimulan naman ang sponsorship and debate para rito.