Naniniwala si House Senior Minority Leader at Northern Samar 1st District Representative Paul Daza na malaking bagay at plus points para sa Pilipinas ang pag imbita kay Pang.
Bongbong Marcos at magbigay ng talumpati sa ika 77th UN General Assembly na gaganapin sa New York City sa USA.
Ayon kay Daza, magandang balita ito para sa Pilipinas gayong di naman lahat ng Presidente sa buong mundo ang nabibigyan ng pagkakataon na maimbitahan at magbigay ng kaniyang talumpati.
Sinabi ni Cong. Daza, oportunidad na rin ito para pag usapan ang isyu sa West Phl Sea sa UN o di kaya magkaroon dialogue kasama ang US government, China at iba pang mga ASEAN counries na claimant din sa pinag aagawang teritoryo sa West Phl Sea.
Layon nito para magkaroon ng win win solution para hindi masyadong maapektuhan ang Pilipinas.
Dagdag pa ni Daza kung maganda ang sitwasyon sa West Phl Sea malaking bagay ito para gumanda din ang ekonomiya.
Inaabangan din ng lahat ang magiging laman ng talumpati ni Pang Marcos Jr sa UN general assembly na dapat ay nakatuon sa post economic recovery efforts.
Pinaka aabangan din kung ano ang gagawin ng Pangulo para makumbinsi ang mga negosyante sa Amerika na mag invest dito sa Pilipinas.
SAMANTALA; Tiniyak naman ni Daza na handang handa na ang minority bloc sa pakikipag debate hinggil sa 2023 proposed national budget ngayong inakyat na ito sa plenaryo.
Bukas Sept. 20 sisimulan na ang budget debates sa plenary.
Ayon kay Cong. Daza, ang minority bloc sa Kamara ay mayruong mahigit 20 miyembro at bawat isa sa kanila ay may kaniya kaniyang assignment.
Sa panig ng mambabatas kaniyang tututukan ang isyu sa delisting ng mga 4Ps beneficiaries ng DSWD na mahigit isang milyon.
Ang pag doble sa pension ng mga senior citizen mula P500 magiging P1000 na ito subalit walang pondo na inilaan para dito ang DBM maging ang scholarship grant para sa mga mahihirap na mga estudyante.