Hiniling ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin kay Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na tulungan ang may 338 mahihirap na estudyante upang mabayaran ang P4.4M na utang sa Commission on Higher Education (CHED).
Ang nasabing utang ay reimbursement o ang dapat na ibalik ng mga estudyante sa CHED dahil sumobra ang kanilang nakuhang financial aid sa ilalim ng scholarship program ng gobyerno.
Inisyuhan ng Commisison on Audit(COA) ng Notice of Disallowance ang CHED matapos lumabas sa kanilang audit na ilang mga estudyante ang nakakukuha ng dalawang magkaibang klase ng scholasrship grant gayong ipinagbabawal ito, bunga nito, kinumpirma ni CHED Chairperson Prospero de Vera na kamakailan lang ay nakapagpadala na sila ng notice of payment sa mga estudyante na karamihan ay mula sa Regions 2 at 5 at sinisingil nila itong ibalik ang nakuhang double scholarship na aabot sa halos P15,000.
“we are humbly asking Social Welfare Secretary Ewin Tulfo, may mga programa sila gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situation(AICS) na maaaring paghugutan para makabayad na ang ating mga estudyante sa CHED. This is to free them from debt at wala na silang alalahanin na may utang silang dapat na bayaran, malaki ang halaga na ito na baka ipangutang pa din ng mga estudyante o ng kanilang magulang,”pahayag ni Garin.
.
Ayon kay Garin naniniwala sya na karamihan sa mga nakakuha ng double scholarship ang hindi alam ang patakaran ng COA kaya naman kung sisingilin ang mga ito ay tiyak na dagdag pasanin pa.
“gustuhin man ng CHED to allow double scholarship dahil may ilang estudyante na kailangan naman talaga ng dagdag na pinansyal na tulong ay tali ang kanilang kamay dahil sa patakaran ng COA na sa isa programa lang pwede mag-avail ng scholarship. Kung nakapag-avail na ng scholarship under CHED Scholarship Program(CSP) ay hindi na pwedeng maging scholar ng Department of Science and Technology(DOST) or sa ibang pang government scholarship programs”dagdag pa ng lady solon.
Ayon kay Garin ang disallowance ay nakita noon pang 2018 at sa ngayon ay wala nang kahalintulad na insidente dahil mayroon nang nailatag na mekanismo para matiyak na hindi magdodoble ang scholadsrhip grant.
“this have not been repeated because safeguards have been installed which includes an updated system for Local Universities and Colleges(LUCs) and State Universities and Colleges(SUCs) where they can check the list of students who have availed of the scholarship programs. The CHED have also assured us that they will be more aggressive in informing the general public not to avail duplicate scholarships since the risks of reimbursing is really there” paliwanag pa ni Garin.
Sa panig ng CHED sinabi ni Executive Director Cindy Jaro na sinusuportahan nila ang panawagan ni Garin sa DSWD, aniya, sa ilalim ng kanilang patakaran, ang mga nakaenrol na estudyante ay hindi pinapayagan na makakuha ng educational aid hanggang hindi nakakabayad sa reimbursement habang ang mga nag-graduate na ay kanila ding hinahabol para magbayad.
Ang CHED ay may mandato na magbigay ng financial assistance sa pamamagitan ng scholarships sa mga kuwalipikado na mahihirap at walang tirahang estudyante sa ilalim ng RA 7279, persons with disability sa ilalim ng RA 7277, solo parents at kanilang dependents sa ilalim ng RA8972 at Indigenous people sa ilalim ng RA 8371.