Monday, September 19, 2022

FLAG-RAISING CEREMONY SA KAMARA, PINANGUNAHAN NI REP. YEDDA ROMUALDEZ, MGA KAWANI PINASALAMATAN

Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, nagsama-sama ang mga opisyal at kawani ng Secretariat, at mga congressional staff sa Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Lunes, para sa kauna-unahang flag-raising ceremony ng ika-19 na Kongreso. 


Pinangunahan ni Rep. Yedda Marie Romualdez (Party-list, TINGOG), chairperson ng Komite ng Accounts ang flag-raising ceremony, kasama ang miyembro ng lupon na si senior Vice Chairperson Angelo Marcos Barba (2nd District, Ilocos Norte). Sa kanyang mensahe, sinabi ni Romualdez na ang flag-raising ceremony ay para ipagdiwang at bigyang galang ang pagmamahal sa bansa. 


“I hope that this exercise continuously reminds us of why we are all here,” aniya. 


Samantala, sinamantala niya ang pagkakataon upang ipahayag ang kanyang pagtanaw ng utang na loob, sa ngalan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng mga mambabatas, sa mga manggagawa ng Kapulungan sa kanilang mga pagsisikap, lalo na sa panahon ng mga serye ng pagdinig sa badyet. 


“Thank you. The Speaker appreciates your work, and I know you are all working hard,” ani Romualdez. 


Dumalo rin sa seremonya si House Secretary General Reginald Velasco., at iba pa.