Isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na gawing heinous crime ang vote buying.
Ito ang nilalayon ng House Bill 1709 ni Malasakit at Bayanihan Partylist Representative Anthony Golez Jr.
Ayon kay Golez ang right to suffrage o karapatang bumoto ay napaka-halaga kaya naman may sariling artikulo sa Saligang Batas gayunman patuloy ang mga ulat ng kaso ng vote buying tuwing magkakaroon ng halalan sa bansa.
Naniniwala si Golez na maghahatid ng malakas na mensahe sa publiko at mga politiko ang pagsasabatas ng isang special penal law na ituring na heinous crime ang vote buying at may katapat na mabigat na parusa.
Inihayag ni Golez bagamat ang vote buying ay isang election offense sa kasalukuyan kaya panahon na para mahinto ito upang matiyak na ang totoong boses ng bayan sa pamamagitan ng balota ang mamayani sa paghahalal ng mga msmumuno sa pamahalaan.
Sa ilalim ng panukalang batas ni Golez may parusang reclusion perpetua o habang buhay na pagkakabilanggo na may kaakibat na multang hindi bababa sa 5 milyong piso at perpetual disqualification sa pag-upo sa public office ang ipapataw sa sinumang politiko na mahahatulan sa vote buying.
Kapag napatunayang tumanggap ng pera o anumang may value kapalit ng boto sa kandidato ang sinumang botante ay papatawan ng parusang pagkakabilanggo ng 1 hanggang 6 na taon na may kaakibat din na multa na hindi bababa sa 100,000 piso at habambuhay na diskwalipikasyon sa pag-upo sa public office.