Tuesday, August 09, 2022

PANUKALANG ITURING NA KRIMEN ANG PAGGAWA AT PAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS, INIHAIN SA KAMARA

Inihain sa Mababang Kapulungan ang isang panukalng pbatas na layong ituring na krimen ang paggawa at pagpapakalat ng fake news.


Sa House bill 2971 ng mag-asawang Malabon Rep. Veronique Lacson-Noel at An Waray Rep. Florencio Noel, aamyendahan ang RA 10175 o Cybercrime Prevention Act.


Bahagi ng amyenda ay ang pagturing sa fake news bilang isa sa gawain na maaaring patawan ng parusa salig sa RA 10175.


Bunsod nito, ang parusa na nakasaad sa Cybercrime Law ang susunding parusa para sa mga gumagawa at nagpapakalat ng pekeng balita.


Diin ng dalawang kinatawan sa paghahain ng panukala, hindi maaaring palagpasin ang misinformation at disinformation na anila’y lumalason sa isip ng publiko sa pamamagitan ng pagbaluktot sa katotohanan.


Sa kasalukuyan ang umiiral na batas laban sa fake news ay nakapaloob sa Article 154 ng revised penal code na inamyendahan noong 2017.


Batay dito ang parusa para sa mga nagpapakalat ng fake news ay pagkakakulong hindi bababa sa anim na buwan at multa na aabot sa ₱40,000  hanggang ₱200,000.


##