Nagbabala si presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos sa publiko kaugnay sa unofficial social media account na ginagamit ang kaniyang pangalan para makakolekta ng pera.
Sa online statement ng kongresista ibinahagi nito na Marso pa lamang ng kasalukuyang taon ay natukoy nila ang “Sando Marcos Unofficial Facebook page” na nagpo-post ng isang meet and greet at naniningil ng P4,500 kada tao para sa transportasyon, hotel, ID at t-shirt.
Kamakailan lamang din aniya ay na-monitor ng kaniyang tanggapan ang isa na namang fund raising activity umano na ikinakasa ng naturang facebook page.
Paalala ng presidential son, walang kaugnayan sa kanya ang naturang facebook page at hindi rin aniya siya kailanman maniningil ng napakalaking halaga para sa isang meet and greet.
Hiling din niya sa mga taga-suporta na maging maingat at mapanuri sa mga solicitations na natatanggap.
“This is to reiterate that Sandro Marcos Unofficial Facebook page is not in any way affiliated, associated, authorized, endorsed by, or officially connected to me or anyone from my team. I only have one Facebook page, one Instagram account, one Twitter account, one YouTube account, and an official website. I appreciate all your support, but it will all go to waste if my name will be tainted by irresponsible and unscrupulous individuals or groups. Let us be mindful of our actions and ensure that solicitations of any kind from unauthorized groups are not entertained,” ani Marcos.