Nanawagan ngayon si Sagip Party-list representative Dante Marcoleta sa National Telecommunications Commission na busisiin ang napipintong joint venture ng ABS-CBN at TV 5.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas, iginiit ni Marcoleta na marami silang nakitang paglabag sa ikinakasang merger ng dalawang kumpanya.
Dismayado ang kongresista sa kawalang aksyon dito ng NTC, sa kabila ng mga inihaing resolusyon para ito’y maimbestigahan.
Duda ang partylist representative na gusto itong pagtakpan ng nasabing ahensya.
Dagdag pa ni Marcoleta, bukod sa NTC, kailangan ding dumaan ang planong merger sa pagsusuri ng Philippine Competition Commission para matiyak na nasusunod ang proseso.