Ilang panukala ang mabilis na lumusot sa unang pulong ng House Committee on Basic Education and Culture.
10 panukala ang inaprubahan ng komite matapos ang mga ito ay lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa noong 18th congress.
Salig ito sa Rule 10 Section 48 ng House Rules kung saan ang isang house bill na pinagtibay sa 3rd reading sa nakalipas na kongreso ay maaaring aprubahan agad ng Komite at isalang na sa plenaryo.
Ilan sa mga panukalang ito ang HB 561 o Pagkakaroon ng National Education Support Personnel Day, HB 929 o pagpapalakas ng mental health service sa ma paaralan sa pamamagitan ng pagkuha ng dagdag na mental health professionals at limang panukala na nagsusulong ng isang public schools of the future in technology; 2 panukala para sa pagtatatag ng Philippine High School for the Creative Arts System at HB 930 na layong palitan ang National Literacy council bilang Literacy Coordinating Council at palakasin ito.
##