Sa gitna ng mataas na presyo ng bilihin ay binatikos ni House Ways and Means Chairman at Albay, 2nd district Representative Joey Salceda ang mataas na bank transfer fees.
pangunahing inahilambawa ni Salceda ang singil sa paggamit ng Instapay at PesoNet, gayundin ang paglilipat ng pera sa magkakaparehong bangko o interbank transfer systems at maging ang pera na "for pick-up" ay pinapatawan pa ng 100 pesos.
Dismayado si Salced na labis kung maningil ang mga bangko gayong walang garantiya kung ligtas ang sistema nila para sa bank transfer.
Pinaalala ni Salceda na ilang buwan ang nakakalipas ay marami ang nabiktima o nawalan ng pera sa kanilang online account sa ilang mga banko.
Dahil dito ay iginiit ni Salceda sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP na tuludukan ang pagmamalabis ng mga bangko sa paniningil kaugnay sa mga transaksyon sa kanila ng publiko partikular sa paglilipat o pagwithdraw ng pera.
Hiling ni Salceda sa BSP, lagyan ng limitasyon ang halaga ng bank transfer fees.
Kaakibat nito ay nanawagan din Salceda para sa agarang pagpasa ng mga inihain niyang panukala na Virtual Banking Act at Financial Technology Development Act.
########