Umapela ng dagdag na pondo ang Dept of Education para sa pagsasaayos ng mga nasirang eskuwelahan.
Sa unang pulong ng House Committee on Basic Education ang Culture, sinabi ni Education Usec. Epimaco densing na para pa lamang sa mga lugar na tinamaan ng lindol sa northern Luzon kakailanganin ng P1.7 billion pesos.
Pero sa kabuuan, lagpas sa P40 billion na ang kailangang budget para maisagawa ang repair sa lahat ng calamit hit school na hindi napondohan mula pa noong 2015 hanggang 2016.
Batay pa aniya sa kanilang mga datos sa nakalipas na limang taon, nag-a-average ang halaga ng mga eskuwelahan na nasisira ng kalamidad ng hanggang P5 hanggng P6 billion kada taon.
Bunsod naman ng kakulangan sa pondo, lalo na ang kanialng quick response fund na inilalaan para sa school repair ay nagkaroon na ng backlog o naipon na mga eskuwelahan na hindi pa rin napapa-ayos.
Aniya sa kanilang huling konsultasyon sa DBM, para 2023, paglalaanan ng P5.9 billion na pondo ang pagtatayo ng mga bagong paaralan, P1.5 billion ang para sa repairs at P2 billion ang para sa kanilang Quick Response Fund.
##