Ipinagdiwang ngayong araw ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang Unang Miyerkules na Misa para sa buwan ng Hulyo.
Ang Tanggapan ni Secretary General Mark Llandro Mendoza ang nag-isponsor ng pagdiriwang ng Eukaristiya, na pinangunahan ni Rev. Fr. James Nitollama, Kura Paroko ng Sta. Cruz Parish sa Bagumbong, Caloocan City.
Sa kanyang homilya, inilarawan ni Fr. Nitollama na ang gawain ng Kaharian ng Diyos bilang napakalaki at malawak, at hindi posibleng gawin ni Jesucristo ang lahat ng gawain nang mag-isa. Kaya nga, aniya, tumawag si Jesus ng mga tao na maging kanyang mga disipulo at apostol.
“Basically, a disciple is a follower, a learner. An apostle is someone who is being trained and readied to be sent out. Ready nang ipadala,” ani Fr. Nitollama.
Kanyang binanggit na si Jesus ay may 72 disipulo at ang ebanghelyo ay nagsalaysay na tumawag ang Panginoon ng kanyang 12 disipulo na kalaunan ay naging kanyang 12 apostol dahil sila ay isinugo sa isang misyon.
“We are all followers of Christ here, but how many of us would offer our lives to become apostles of the Lord?” tanong niya. Bukod kay Secretary-General Mendoza, dumalo din sa misa ang mga empleyado ng Secretariat, congressional staff at mga opisyal ng Kapulungan.
Sila ay Sergeant-at-Arms BGen. Rodelio Jocson (Ret.), Deputies Secretary-General Atty. Gracelda Andres ng Inter-Parliamentary and Public Affairs Department, Dr. Ramon Ricardo Roque, Ceso I, Diplomate ng Administrative Department, Dante Roberto Maling ng Finance Department, Atty. Arlene Dada-Arnaldo ng Committee Affairs Department, at si Engr. Floro Banaybanay ng Engineering and Physical Facilities Department, gayundin sina Executive Directors Corazon Alano ng OSG at Lourdes Rajini Rye ng Inter-Parliamentary Relations and Special Affairs Bureau, at iba pa.