Thursday, July 07, 2022

ORYENTASYON NG MGA BAGONG HALAL NA MAMBABATAS, SUMENTRO SA PAGBUO NG NASASAKUPAN, UGNAYAN NG MAMAMAYAN AT ADBOKASIYA

Habang papalapit na ang pagtatapos ng tatlong araw na executive course sa lehislasyon, natuto ang mga bagong halal at nagbabalik na mambabatas ng ika-19 na Kongreso ngayong Miyerkules kay Dr. Edna Estifania Co, dating dekano ng University of the Philippines-National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG), at kay dating PBA Party-list Rep. Jericho Jonas Nograles, na tinalakay ang pagbuo ng nasasakupan, ugnayan ng mamamayan, at adbokasiya sa teorya at sa pagsasanay nito.  


Para kay Co, kanyang ipinaliwanag na ang paggawa ng polisiya ay kaakibat ng pagbuo ng mga nasasakupan at ugnayan ng mamamayan, dahil ang pagiging mambabatas ay mga kinatawan ng mga mamamayan, at mahalaga ang papel na ginagampanan nito sa demokrasya. 


Idinagdag din niya na ang mga ito ang magtataguyod ng pagiging inklusibo at magpapakita ng pagnanais ng mga Kinatawan ng Kapulungan para sa mga repormang papabor sa kanilang mga nasasakupan. 


Samantala, ibinahagi ni Nograles ang mga personal niyang karanasan bilang kinatawan ng Kapulungan, at binigyan-diin ang kahalagahan ng pagtukoy sa nasasakupan, kung saan napupunta ang limitadong pondo ng mga kongresista. 


Hiniling din niya sa mga kalahok na unahin ang pamamahala at paghahasa ng limitadong pondong ito, upang higit na mapakinabangan ang kanilang termino sa Kongreso, tulad ng: kalusugan, oras, pananalapi, at impormasyon. Hinikayat din ni Nograles ang mga bagitong mambabatas na malayang humingi ng suporta mula sa House Secretariat, upang matulungan silang matupad ang kanilang mga mandato, gayundin ang isulong ang kanilang mga adbokasiya nang madali at mahusay.