Tuesday, July 12, 2022

‘ANDER DE SAYA,’ ILALABAN SA KAMARA

Isang lady solon ang naghain ng panukala upang proteksiyunan ang mga ‘ander de saya’ na mister at mga miyembro ng LGBTQ+ laban sa domestic abuse at pangmamaltrato.


Sa kanyang House Bill 1365, hiniling ni PBA party-list Rep. Margarita Nograles na amiyendahan ang Anti-Violence Against Women and their Children Act (Republic Act 9262) at isama sa proteksyong ipinagkakaloob dito ang mga ‘ander de saya’ na mister at miyembro LGBTQ+.


Iginiit ni Nograles na ang pangmamaltrato ay hindi lamang ekslusibo sa mga babae at bata at mayroong mga kaso na ang biktima ay mga lalaki o gay partner.


“It is the fervent hope of this proposed bill that seeks to amend Republic Act No. 9262 and include men and the LGBTQI+ community in its mandate and put an end to the discrimination and domestic abuse and attain a more inclusive society where all human beings are born free and equal,” sabi ni Nograles sa explanatory note ng kanyang panukala.


Binigyan-diin ni Nograles ang kahalagahan na idisenyo ang batas ng para sa interes at kapakanan ng lahat anuman ang kasarian o gender preference nito.


Ang lady solon ay anak ni dating House Speaker Prospero Nograles.