Tatlumpo sa 124 na mga bagong miyembro ng 19th Congress ay sumailalim sa 3-day Executive course on Legislation sa Kamara de Representantes kahapon ng umaga.
Pinangunahan ni Associate Professor Dr. Enrico Basilio ng UP- National College of Public Administration and Governance bilang lecturer.
Ilan sa mga na-interview ng House accredited media si JC Abalos, kinatawan ng 4Ps partylist na ayon sa kanya, malaking bagay na sumalang sila sa seminar lalo na para sa kanilang mga first timers.
Isusulong ni Abalos ang kapakanan sa edukaayon, agrikultura at kalusugan para sa mga informal sectors.
Para naman kay Manila 1st diatrict Rep. Ernesto Dinisio, very informative at marami silang matututuhan upang lalo nilang maunawaan paano mas makatutulong maibangon ang ekonoomiya ng bansa. Sa kanyang pet bill, tututukan ni Dionisio ang sektor ng pabahay.
Ayon kay House Secretary General Mark Leandro Mendoza, tatagal ng tatlong Linggo para sa tatlong araw kada grupo ng mga bagong kongresista ang sasailalim sa orientation, ilan dito ang mock committee hearing at mock plenary session para sa tatlong batches ng mga bagong kasapi ng 19th Congress.