Pinasinayahan kahapon (Miyerkules), sa pangunguna ni House Speaker Lord Allan Velasco, ang ilang mahahalagang proyekto sa Kamara, na nakatuon sa pagsusulong ng mga pisikal na pasilidad sa Batasan Complex.
Ang mga proyekto ay magpapahusay din sa kaligtasan at seguridad, gayundin sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga mambabatas, kawani, at mga bisita.
Ang mga proyekto na natapos ay ang: 1) Mga Solar Panel, kabilang ang isang inverter panel sa South Wing Annex East Side at roof deck solar panel, 2) South Outdoor Gender Responsive Restrooms, 3) South Screening Facility para sa mga Bisita, 4) North Sewage Treatment Plant, 5) South Sewage Treatment Plant, 6) North Lobby Turnstile sa New North Elevator, 7) South Lobby Turnstile sa New South Elevator, at 8 ) Pagsasaayos ng Information and Communications Technology (ICT) Office.
Ang paglalagay ng mga solar panel sa gusali ng SWA, isa sa mga prayoridad na proyekto ni Speaker Velasco, ay bababa ng humigit-kumulang pitong metriko tonelada ng carbon dioxide na nabubuo ng Kamara taun-taon.
Sa kanyang talumpati, pinuri ni Speaker Velasco ang Secretariat sa matagumpay na pagpapatupad ng mga plano ng pamunuan ng Kamara.
(na magsusulong sa mga pasilidad ng Kapulungan, magpapahusay sa kaligtasan at seguridad, gayundin sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga mambabatas, mga kawani, at mga bisita.)
Sinamantala din niya ang pagkakataon upang magpahayag ng pasasalamat sa Kapulungan sa pagkakataong sulitin ang kanyang tungkulin bilang House Speaker.
Para kay Secretary-General Mendoza, kanyang sinabi na kahit kaunti na lang ang natitira, patuloy pa rin si Speaker Velasco sa pagsusulong ng mga bagong pasilidad at pagsasaayos sa loob ng complex.
“Ito pa lang ‘yung tapos na. Meron pa po tayong ongoing projects,” aniya. "Ganyan po kagaling ang ating Speaker Lord Velasco.
Ang mga projects na ito ay talagang nasa puso ng ating Speaker," ani Secretary General Mendoza.
Tinagurian niya si Speaker Velasco na, "the hard-working Speaker with a heart." Ang mga natapos na proyekto ay binasbasan ni Fr. Rolando Perfecto. Jr. FdCC. Vicar, San Pablo Apostol Parish. Tondo, Maynila.
Ang iba pang miyembro ng Kamara na nakiisa sa programa at dumaan sa mga pasilidad ay sina Surigao del Sur Rep. Johnny Ty Pimentel, 1-PACMAN Rep. Enrico Pineda, Manuel Zamboanga City Rep. Jose Dalipe, Deputy Minority Leader Stella Luz Quimbo at dating Marikina City Rep. Miro Quimbo. Dumalo rin sina Sergeant-at-Arms PBGen. Rodelio Jocson (Ret.), Office of the Speaker Deputy Secretary General Atty. Jocelia Bighani Sipin, Inter-Parliamentary and Public Affairs Department Deputy Secretary General Atty. Gracelda Andres, Legal Affairs Department Deputy Secretary General Atty. Annalou Nachura, Legislative Operations Department Deputy Secretary General Atty. David Robert Amorin, Committee Affairs Department Deputy Secretary General Atty. Arlene Dada-Arnaldo, at Internal Audit Department Deputy Secretary General Jose Ma. Antonio TuaƱo, CESO II.
#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV