Tuesday, May 31, 2022

MGA PINUNO NG KAMARA, BINATI ANG KONBERSYON NG ESPESYAL NA KOMITE SA PAGIGING PANGUNAHING KOMITE

Nagpahayag ng kanilang pagbati kahapon, Martes sina House Speaker Lord Allan Velasco at Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez sa mga miyembro ng Special Committee on North Luzon Growth Quadrangle, sa regularisasyon nito bilang pangunahing Komite sa ika-18 Kongreso, sa pamamagitan ng masugid na pagsuporta ng dalawang pinakamataas ng pinuno ng Kamara. 

Isa-isang bumisita sina Speaker Velasco at Majority Leader Romualdez sa Nograles Hall, upang batiin ang mga miyembro ng espesyal na Komite matapos nilang isagawa ang kanilang pinal na pagpupulong para sa ika-18 Kongreso. 


Nagpahayag ng kaniyang pasasalamat sa pagdinig ang Panel Chairman na si Pangasinan Rep. Ramon “Mon Mon” Guico III sa dalawang pinuno ng Kapulungan, at sa lahat ng sumuporta sa pagbabago ng espesyal na Komite bilang pangunahing Komite.  


[“First and foremost, let me convey my sincerest gratitude to the Honorable Speaker Lord Allan Velasco and Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, honorable Vice Chairs JB Buernos and Jojo Lara, honorable members of the special committee on North Luzon Growth Quadrangle, and the honorable members of the House of Representatives from North Luzon regions for the successful conversion of the special committee into a standing committee. Congratulations fellow North Luzon representatives,” ani Guico.]


Matapos ang 26 na taon mula noong unang isagawa ng Komite ang kanilang pagpupulong noong ika-28 ng Agosto 28 1995, nasabi niya na sa wakas, ang kanilang kahilingan para sa regularisasyon ng espesyal na Komite ay kinilala.  



“And we are most grateful that through our resolute efforts, this happened during the 18th Congress under our watch. Speaker Velasco and Majority Leader Romualdez gifted us with a legacy that we can pass on to the incoming Congresses,” dagdag ni Guico. 


Samantala, inimbitahan ng Komite ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. para magbigay ng pinakabagong impormasyon hinggil sa kanilang pangako, na ayusin ang mga nakabinbing petisyon sa mga akreditadong institusyong medikal sa mga rehiyon ng Hilagang Luzon.  


Nais din ng Komite ng pinakabagong impormasyon sa pagpapatupad ng PhilHealth Advisory No. 2022-0010, na sumasaklaw sa pagtaas ng premium na kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth. Sinabi naman ng abogadong si Eli Dino Santos, PhilHealth Executive Vice President at Chief Operating Officer, na inaasahan ng PhilHealth na makatanggap ng hindi bababa sa kumpletong kinakailangang mga dokumento para sa pagsusuri ng mga petisyon at pagsunod sa mga umiiral na pamantayan ng pangangalaga na kinakailangan para sa pamamahala ng mga pasyente. 


Kasabay nito, sinabi ni PhilHealth Area Vice President Walter Bacareza na ang bunga ng kanilang pakikipag-ugnayan ay nagresulta ng mga pagbabago sa PhilHealth.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV