Tuesday, May 10, 2022

BAGONG PANGULO AT PANGALAWANG PANGULO, MAAARING MAIPROKLAMA NG KONGRESO SA IKA-27 O IKA-28 NG MAYO

Ipinapalagay ng mga pinuno ng Kamara at Senado na maipoproklama nila ang bagong pangulo at pangalawang pangulo sa ika-27 o ika-28 ng Mayo. 

Magkapareho ang pananaw nina House Speaker Lord Allan Velasco at Senate President Vicente Sotto III kahapon, Lunes, na kanilang ipinahayag sa pulong pambalitaan na agad na idinaos sa Kamara, matapos ang Initialization of Consolidation and Canvassing System (CCS) na bibilang sa mga certificates of canvass (CoCs) mula sa mga lalawigan, lungsod at ibayong dagat. 


(“We can actually promise that we’ll get to finish everything by June,” ani Speaker Velasco.)


Sinabi ni Speaker Velasco na maaaring ang lima hanggang pitong araw ng pagbibilang ay masyado nang mahaba. 


(“Sobra sobra yun,” aniya.)


Noong mga nakaraang halalan, sinabi ni Speaker na ang pagbilang ng boto ay tumagal dahil isinasagawa ang pagbilang nang mano-mano. 


(“This time it’s gonna be computerized. So you won’t see anymore white boards, manual tallies,” aniya.)


Sinabi naman ni Senate President Sotto na ang plano ay simulan ang pagbilang ng boto sa umaga ng ika-24 ng Mayo, dahil magbabalik-sesyon na ang Kamara at Senado sa ika-23 ng Mayo.





Sinabi niya na sa panahong iyon ay pangangalanan ng Senado ang kanilang pitong kinatawan sa National Board of Canvassers (NBOC). 


Ang mga miyembro ng Congressional Canvass Committee na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) ay pangungunahan nina Speaker Velasco at Senate President Sotto. 


Samantala, matapos ang pulong balitaan, ay malugod nilang tinanggap ang mga dayuhang tagamasid na nasa bansa para sa 2022 pambansang halalan.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV