Sa dalawang araw na workshop ng Secretariat ng Kamara na magtatakda ng adyenda ng pagbalangkas sa lehislasyon, tinalakay ang usaping “Revitalizing Agriculture and Attaining Food Security.”
Ang dalawang araw na workshop na inumpisahan noong nakaraang Martes ay pinamagatang “Securing the Future: Recommendations for Legislation in the 19th Congress.”
Ipinaliwanag ni Committee Affairs Department (CAD) Deputy Secretary General Atty. Arlene Dada-Arnaldo na ang gawain sa lehislasyon ng Secretariat ay isinasagawa tuwing anim na taon kasabay ng termino ng nahalal na pangulo.
Inilarawan niya ang agrikultura bilang gulugod ng ekonomiya ng bansa, at ang mga paghihirap na kinakaharap ng sektor mula sa mga panganib ng pagbabago ng klima, natural na kalamidad at mga bagyo, hanggang sa pagtaas ng mga presyo ng mga produktong pang-agrikultura, pati na rin ang mga paghihigpit sa panahon ng pandemya, at iba pa.
Iginiit ni Arnaldo ang pangangailangan ng sektor ng agrikultura na muli itong pasiglahin, upang makamit ang seguridad sa pagkain, hindi lamang sa ngayon, kundi sa mga darating pang mga taon.
#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV