Thursday, April 21, 2022

PAGBABABAGO NG JUSTICE SYSTEM NG BANSA, IPINANUKALA

ISUSUSLONG ng isang Quezon City solon sa Kamara de Representante ang isang panukalang batas na naglalayong mapabilis ang proseso ng mga kaso sa iba’t-ibang Hukuman sa bansa. Upang huwag mabinbin ang mga kasong matagal ng nilulumot at nakatengga sa mga Korte.

Sa panayaman ng Broadcaster’s Forum ng beteranong mamamahayag na si Rolly “Lakay” Gonzalo, aminado si Quezon City 1st Dist. Rep. Anthony Peter “Onyx” D. Crisologo na bagama’t hindi siya abogado at ang kaniyang propesyon ay isang Engineer bago nahalal na kongresista.

Naniniwala si Crisologo na kailangang baguhin ang problema ng “Justice System” sa bansa dahil sa mabagal at matagal na proseso ng paglilitis sa iba’t-ibang Korte na halos tumatagal ng ilang taon.

“Hindi po ako abogado at wala po tayong expertise diyan because I am a Civil Engineer by profession. But I agree na dapat baguhin ang ating Justice System. Kung saan, maraming naka-tenggang mga kaso na kapag kinasuhan mo ay umaabot ng taon bago matalakay. Habang umuusad ang kaso, I agree na kailangan po talagang ma-de-clog ang mga kaso sa ating mga local courts, sabi ni Crisologo.

Sinabi din niya na maraming nakahaing panukala sa House Committee on Justice na ang pangunahing layunin ay amiyendahan ang “Justice System” sa bansa. Kung saan, isa sa mga problema aniya dito ay ang tinatawag na “trial by publicity”.

Ayon sa kongresista, bagama’t hindi siya abogado ay maaari naman nitong isama ang usapin ng “Justce System” bilang isa sa kaniyang adbokasiya. Sa pamamagitan ng masusing pag-aaral at paghahain ng panukala para mabago ang mabagal na proseso sa mga Hukuman.

“I must admit nan aka-focus tayo sa ating sa ating mga advocacy sa livelihood, Senior Citizen at infrastructure. This is one that I will pretend na alam natin itong sector na pinag-uusapan natin (Justice System) kasi I am an Engineer by profession, so I think in my second term this is one advocacy na puwede nating pag-aralan at isulong,” sabi ni Crisologo.

Gayunman, ipinaliwanag pa ng QC solon na ang nasabing usapin ay maaari niyang ilapit o isangguni sa House Committee on Justice para mabago ang batas kaugnay sa mabagal na proseso ng “Justice System”. 

Kaugnay nito, sinabi pa ni Crisologo na marami pang panukalang batas ang nais isulong ni Crisologo sa kaniyang ikalawang termino. Bagama’t aminado siya na hindi madali ang maghain at magpasa ng isang panukala sa Kamara de Representante dahil sa mahabang prosesong pinagdadaanan  nito.

“Actually marami pa pong panukala ang nais natin isulong. Pero it’s not that easy to pass a law in Congress, dahil kapag nag-file kayo dadaan iyan sa maraming Committee hearings. And even though we already passed it in Congress as a House Bill. Kailangan naman ito ng counterpart sa Senado, so medyo mahaba po ang proseso nito,” ani Crisologo.

Gayunman, ipinagmalaki ng mambabatas na sa kaniyang unang termino ay nakapaghain siya ng pangunahing panukalang batas na inakda nito. Kabilang dito ang usapin sa health care, Pandemic assistance, education, Senior Citizen at livelihood.

Sinabi din nito na mula sa 208 na panukala. Kung saan, isa si Crisologo sa mga co-athor ang naisabatas. Kabilang sa mga ito ang pagdadagdag ng bed space o bed capacity mula sa 600 hanggang 900 sa East Avenue Medical Center (EAMC) at ang pag-develop sa Quezon City General Hospital bilang isang Medical Center.