Friday, January 14, 2022

-PAGTATALAGA NG MGA PULIS BILANG PROTEKSYON SA MGA TAGA-MEDIA, NAPAPANAHON

Pinapurihan ni ACT-CIS Partylist Representative Rowena NiƱa Taduran ang Philippine National Police (PNP) sa agarang pagtatalaga ng mga pulis na magbibigay ng proteksyon sa lahat ng mga mangaggawa sa media, lalo na sa panahong ito ng eleksyon. 


Pinasalamatan din ni Taduran si Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Secretary Joel Sy Egco dahil sa pagdulog nito sa Department of Interior and Local Government, na agad namang inatasan ang PNP na magtalaga ng Media Security Focal Persons sa mga probinsiya at siyudad sa buong bansa.


Nababahala si Taduran na habang papalapit ang araw ng halalan, naiipit ang mga manggagawa sa media sa gitna ng karahasan at kaguluhan.


Ito ay makaraang barilin ang isang komentarista sa radyo at dating manager ng istasyon, na tumatakbo rin sa halalan sa Sultan Kudarat at ang isa pang dating station manager ng radyo ng pagbabarilin ito ng dalawa kataong nakasakay sa motorsiklo habang ito ay nagta-trabaho bilang isang komentarista.


Naniniwala si Taduran na ang pagtatalaga ng PNP focal person para sa seguridad ng media ay makakatulong upang mahadlangan ang anumang karahasan laban sa mga manggagawa sa media.