Friday, December 10, 2021

-IMPLEMENTASYON NG LIMITADONG FACE-TO-FACE CLASSES NG DEPED, TINALAKAY NG KOMITE

Tinalakay kahapon Huwebes ng Committe on Basic Education and Culture sa Kamara na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang mga resolusyon na nagpapatupad ng mga klaseng face-to-face sa mga paaralan sa sentro ng lungsod at kanayunan. 


Ang mga resolution nina Quezon City Rep. Alfred Vargas at Romulo na nanawagan ng pagsisiyasat sa iminungkahing pagpapatupad ng blended and distance learning at humimok sa Department of Education (DepEd) at ang Department of Health (DOH) na isaalang-alang ang pagpapatupad ng mga klaseng face-to-face sa mga sentro ng lungsod ang tinalakay ng Komite.


Nagbigay naman ng pangkalahatang ideya si DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma sa patuloy na pagpapatupad ng DepEd sa limitadong face-to-face na mga klase.


Aniya, pumili ang DepEd ng humigit-kumulang 277 pampublikong paaralan at 20 pribadong paaralan na kabilang sa pagpapatupad at nagsimula umano sila sa inisyal na 100 public schools noong nakaraang buwan habang ang karagdagang 177 mga eskuwelahan ay nagsimula nitong linggong ito.







(partikular na ang limitado at kontroladong face-to-face na mga klase para sa mga praktikal na pagsasanay sa mga paaralan.


alinsunod sa mga kondisyong itinakda sa ilalim ng DepEd Memorandum No. 071, serye ng 2021 o ang Preparations for the Pilot Face-to-Face Expansion and Transitioning to New Normal.


Samantala, hinihimok ng HR 2387 ni Romulo ang Department of Education (DepEd) at ang Department of Health (DOH) na isaalang-alang ang pagpapatupad ng mga klaseng face-to-face sa mga sentro ng lungsod, alinsunod sa mga kondisyong itinakda sa ilalim ng DepEd Memorandum No. 071, serye ng 2021 o ang Preparations for the Pilot Face-to-Face Expansion and Transitioning to New Normal.)


Gayunpaman, batay sa mga ulat na nakuha nila mula sa kanilang mga regional director, sa 177 karagdagang paaralan, 165 lamang na pampublikong paaralan ang nakapagsimula at nagpatupad ng kasalukuyang face-to-face na mga klase.  


Para naman sa mga pribadong paaralan, sinabi ni Garma na 18 ang nakasali sa isinasagawang implementasyon.  


Aniya, binabalak ng DepEd na wakasan ang pansamantalang pagpapatupad sa katapusan ng Disyembre ng taong ito at gawing batayan ng kanilang ulat at rekomendasyon sa Tanggapan ng Pangulo ang mga natuklasan sa kanilang pag-aaral para sa posibleng pagpapalawak ng pagpapatupad nito sa unang bahagi ng susunod na taon.


Sa tanong ni Romulo tungkol sa kahulugan ng pagpapalawak, sinabi ni Garma na ang pagpapalawak ay mangangahulugan ng mas maraming paaralan at mas maraming antas ng baitang na makakasali sa yugto ng pagpapalawak, depende sa maaaring maging sitwasyon ng pandemyang dulot ng COVID-19 sa panahong iyon. 


Subalit, iginiit ni Garma na ang pagpapalawak ay mangyayari lamang kung papayagan sila ng Tanggapan ng Pangulo at ito ay ibabase sa kanilang mga isinumiteng ulat sa pansamantalang pag-aaral.

Tinanong naman ni Deputy Minority Leader Stella Luz Quimbo si Garma kung mayroon ba silang naging pagsusuri sa pilot study. 


“Kelan natin malaman ang assessment based on the pilot study at kelan lalabas ang recommendation for a potential rollout of face-to-face classes,” tanong niya. 


Sinabi ni Garma na mayroon silang lingguhang pagsusuri para sa lahat ng paaralan na nagpapatupad ng limitadong face-to-face na mga klase.  


Dagdag pa niya, nasa proseso sila ng pangangalap ng lahat ng impormasyon at datos gamit ang kanilang mga kasangkapan sa pagsubaybay at pagsusuri.  


“Once we gather all these information and data, iko-consolidate namin ito together with our analyses and together with the recommendation of what possible adjustments can be done as a way of recommending to the Office of the President the direction for the expansion phase,” ani Garma.


Sinuspinde ng Komite ang deliberasyon sa mga resolusyon habang nakabinbin ang pagsusumite ng impormasyon at datos na hiniling nila mula sa DepEd. 


Samantala, inaprubahan ng Komite ang HB 911 na inihain ni Iloilo City Rep. Julienne Baronda. Layon ng panukalang batas na gawing integrated school ang Nabitasan Elementary School sa Barangay Nabitasan, Lapaz, Iloilo City at kikilalanin bilang Nabitasan Integrated School.

 

#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV