Inilarawan ni Krizle Grace Mago, hepe ng regulatory affairs ng Pharmally Pharmaceutical Corp. bilang isang “pressured response” ang kanyang testimonya sa Senado, na maaaring ang kanilang kompanya ay nag “swindle” sa gobyerno, sa usapin ng pagbili ng mga medical face shileds para sa mga health workers.
Ito ang pahayayag ni Mago sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Committe on Good Government and Public Accountability sa Kamara de Representantes na punamunuan ni Rep. Michael Edgar Aglipay.
Dahil sa pagkabahala ni Mago sa kanyang karanasan sa pagtestigo sa Senado, tiniyak ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta na hindi kailanman na mato- “traumatize ang mga saksi sa Komite at gusto lamang nila na malaya at boluntaryo ang isasagot sa mga tanong nila.
Si Mago na isinailalim sa pangangalaga ng Kamara simula pa noong ika-1 ng Oktubre, ay pinabulaanan ang mga alegasyon na ang Pharmally ay naghatid ng mga expired, substandard at tampered na mga COVID-19 suplay sa pamahalaan.
Ito ang kauna-unahang pagtestigo ni Mago sa Komite, matapos na siya ay nawala umano, matapos ang kanyang kontrobersyal na pag-amin sa Senado, na ang Pharmally ay pinalitan ang mga petsa ng mga face shields, na ipinamahagi sa mga medical frontliners noong nakaraang taon.
(“Given the level of pressure I was under and the rush of emotions associated with the allegations and my subsequent admission, I was not in the best frame of mind to think clearly,” ani Mago sa pagpapatuloy ng pagdinig, sa imbestigasyon ng Komite ng Good Government and Public Accountability sa Kapulungan ng mga Kinatawan.)
Sa madamdaming pahayag ni Mago, sinabi niya na ang kanyang karanasan sa Senado ay inilarawan niya na, “extremely traumatic,” dahil sa paulit-ulit na akusasyon ng pagsisinungaling at pagbabanta ng pagsuway sa Senado. Katunayan, sinabi niya na ang isa pang ehekutibo ng Pharmally na si Linconn Ong, ay kasalukyang nakadetine sa Senado dahil sa pagsuway, matapos niyang tanggihan ang pag-testify sa isang executive session.
“Personally, I was perplexed as to how I could be perceived as a liar when I was simply responding directly to questions based on facts reflected on the records, which I even promptly forwarded to the committee upon request,” ani Mago.
Isiniwalat ni Mago na siya ay nahawahan ng COVID-19 sa panahon ng kanyang pagtestigo sa mga pagdsinig ng Senado, na nagresulta sa pagbaba ng kanyang kalusugang pisikal.
“Additionally, the overwhelming pressure and intense scrutiny of the investigations have had a detrimental effect on my mental health,” ani Mago.
“Over and above these, my personal mobile phone number and address were also revealed, resulting in unwanted harassment and distressing messages,” dagdag pa niya.
Dahil sa pagkabahala ni Mago sa kanyang karanasan sa pagteistigo sa Senado, tiniyak ni Deputy Speaker Rofdante Marcoleta na hindi kailanman na matra “traumatized ang mga saksi sa Komite. “Gusto naming malaya at boluntaryo ang isasagot sa mga tanong namin,” ani Marcoleta.
Ikinalungkot ng opisyal ng Kapulungan kung papaano ginisa sa Senado ang mga saksi, sa dami ng mga tanong, na ayon sa kanya ay, “not an investigation in aid of legislation.”
“It seems to me it was an interrogation similar to the questioning employed by military establishment, law enforcement officers, and even intelligence agencies on organized crime syndicates,” punto ni Marcoleta. “These are the means employed in exacting information by said agencies and groups.”
Para kay DIWA Rep. Michael Edgardo Aglipay, tiniyak niya na ang Kapulungan ay, “do not resort to bullying and intimidation.”
“The House Blue Ribbon Committee has and will always be for freedom of speech, justice and fair play,” ani Aglipay.
Samantala, binanggit ni Aglipay na pumunta si Mago sa Kapulungan ng mga Kinatawan “in her own free will and volition,” upang humiling ng protective custody.
“Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay Kapulungan ng mga Mamamayan, at hindi ipagkakait ng Kapulungan ang kahilingan ng mga mamamayan sa paghahanap ng kanlungan at tulong mula sa amin,” ani Aglipay.
Ang Kapulungan ay kasalukuyang nagsasagawa ang motu propio na imbestigasyon sa ulat ng Commission on Audit (COA), hinggil sa paglilipat ng pondo ng COVID-19 mula sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH) tungo sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM), at ang umano’y overpricing ng mga face masks, protective personal equipment at face shields na ginagamit ng DOH.
Sa mga nakaraang pagdinig sa Kapulungan, napatunayan na hindi overpriced ang mga face shields, batay sa testimonya ng walang iba kungdi si COA Chairman Maichael Aguinaldo na, “no finding of overpricing,” sa taunang audit report ng ahensya.
Kumbinsido rin ang mga miyembro ng Komite na hindi nadehado ang pamahalaan sa pagbili mula sa Pharmally ng may dalawang milyong face shields na ipinamahagi sa mga medical frontliners.
Nauna nang tumestigo si Health Secretary Francisco Duque III sa Kapulungan at sinabing ang mga face shields ay, “properly distributed to and utilized by health workers.”
Nilinaw rin ni Duque na ang buhay ng mga face shields ay tatagal ng 36 na buwan o tatlong taon. #