Tinalakay ngayong Huwebes ng Komite ng Basic Education at Culture sa Kapulungan ng mga Kinatawan sa pamumuno ni Pasig City Rep. Roman Romulo, ang House Bill 7621, na naglalayong magtatag ng balangkas para sa pagpopondo sa pagpapaunlad at pagpapatakbo ng National Museum of the Philippines, sa pamamagitan ng taunang General Appropriations Act (GAA).
Ang pagpopondo ay karagdagan at susuportahan ang pagpapaunlad ng K-12 na edukasyon sa bansa.
Inihain ni Pangasinan Rep. Christopher De Venecia, layon din ng panukalang batas na kilalanin ang kahalagahan ng mga museo sa pagkakumpleto at non-formal na edukasyon ng mga mag-aaral. Sa online na pulong, sinabi ni Department of Education Assistant Secretary for Finance-Budget and Program Monitoring, and Procurement Ramon Fiel Abcede na tinatanggap ng DepEd ang panukalang batas, na nagmumungkahi ng benchmarking para sa paglalaan ng pondo ng isang porsyento mula sa badyet ng DepEd.
Sinabi niya na kukunsulta din siya sa kanilang legal na dibisyon tungkol dito. Sumang-ayon ang Komite na tapusin ang pagkakaloob ng pagpopondo ng panukalang batas sa ilalim ng Seksyon 3 sa susunod na pagdinig.
Samantala, nagsagawa rin ang Komite ng isang pangangasiwa na pagtalakay sa sariling wikang na may aprubadong ortograpiya sa ilalim ng K-12 na katutubong wika batay sa multilingual na edukasyon.
Tinanong ni Romulo kung bakit ang ortograpiya sa tatlong pangunahing wika ay tinatapos pa rin samantalang ang mga aklat na ito ay nailathala na.
Ang mga opisyal ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) at DepEd ay nagbigay sa Komite ng mga huling kaganapan sa mga monograpiko at ortograpiko, na mga naibahagi ng inang-wika sa mga materyales, sa pag-aaral na tinatapos ng dalawang ahensya.
#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV