Tinalakay kahapon (Miyerkules) ng Committee on Transportasyon sa Kamara, na pinamumunuan ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, ang patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produkto ng petrolyo sa gitna ng pandemya, na nagsimula noon pang Enero ng kasalukuyang taon.
Sa naturang pagdinig, sinabi ni Sarmiento na ang mga pagtaas ng halaga ng petrolyo ay labis na nakaapekto sa sektor ng pampublikong transportasyon, kaya’t napilitan siyang humanap ng mga solusyon mula sa Department of Transportation (DOTr) at Department of Energy (DOE).
Sinabi naman ni PISTON President Mody Floranda sa pagdinig na simula nang ipinatupad ang Oil Deregulation Law, ay nawalan ng kapangyarihan ang pamahalaan upang imonitor ang halaga ng petrolyo sa bansa, dahil ito ay ipinaubaya sa mga malalaking kompanya ng langis.
Sinabi naman ni Sarmiento bilang tugon na kagyat siyang maghahain ng resolusyon sa nasabing usapin, at magdaraos sila ng isang executive session, upang lubos na matalakay at matukoy kung papaano matutulungan ang mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan.
Personal niyang hiniling ang presensya ng mga opisyales ng DOE, DOTr at LTFRB, kabilang na ang mga lider ng grupo ng transportasyon, sa isasagawang executive session.
Idinagdag ni Floranda na ang mga pagtataas ng halaga ng petrolyo ngayong taon ay nakadagdag pahirap sa mga tsuper at operator ng mga pampublikong transportasyon, bukod pa sa pagbaba ng kita dahil sa limitadong bilang ng mga pasahero ngayong panahon ng pandemya.
Pinatunayan ni DOE-Oil Industry Management Bureau (OIMB) Director Atty. Rhino Abad, na ang itinaas na halaga ng gasolina ay malapit na sa P20.
Binanggit niya na ang halaga ngayon ng gasolina ay P17.85 kada litro; ang krudo ay P16.50 kada litro; ang gaas ay P14.19 kada litro; at ang LPG ay P20.24 kada kilogramo.
Aminado rin si Transportation Assistant Secretary Steve Pastor sa usapin ng pagtaas ng halaga ng petrolyo, at ang mga posibleng remedyo aniya, ay tinatalakay na sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na maaaring ipatupad sa lalong madaling panahon.
Nanawagan muli si Pastor sa Kapulungan ng tulong upang mapondohan ang Service Contracting Program (SCP), na pakikinabanagn rin ng mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan.
Ang SCP ay inalisan na ng pondo sa 2022 General Appropriations Bill (GAB).
Gayundin, kinumpirma ni LTFRB Chairman Martin Delgra III na mayroon nang petisyon para sa pagtataas ng pamasahe, at nakipagpulong na ang kanilang tanggapan sa DOE para sa pangangalap at pag-aanalisa ng mga datos, kaugnay ng pagtataas ng halaga ng petrolyo.
Bukod pa rito, sinabi ni LTFRB Executive Director Joel Bolano na nakikipag-ugnayan na rin sila sa DOE para sa isa pang posibleng subsidiya sa petrolyo o salapi para sa mga tsuper at operator ng mga PUV.
Samantala, sinabi ni PISTON President Mody Floranda, na simula nang ipinatupad ang Oil Deregulation Law, ay nawalan ng kapangyarihan ang pamahalaan upang imonitor ang halaga ng petrolyo sa bansa, dahil ito ay ipinaubaya sa mga malalaking kompanya ng langis.
Idinagdag ni Floranda na ang mga pagtataas ng halaga ng petrolyo ngayong taon ay nakadagdag pahirap sa mga tsuper at operator ng mga pampublikong transportasyon, bukod pa sa pagbaba ng kita dahil sa limitadong bilang ng mga pasahero ngayong panahon ng pandemya.
Sinabi ni Sarmiento na kagyat siyang maghahain ng resolusyon sa nasabing usapin, at magdaraos sila ng isang executive session, upang lubos na matalakay at matukoy kung papaano matutulungan ang mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan.
Personal niyang hiniling ang presensya ng mga opisyales ng DOE, DOTr at LTFRB, kabilang na ang mga lider ng grupo ng transportasyon, sa isasagawang executive session.
#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV