Thursday, October 21, 2021

-AYUDA SA MGA DRAYBER, IMINUNGKAHI SA KAMARA

Iminungkahi ni House Committee on Transportation at Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento sa pamahalaan ang pagbibigay ng subsidiya sa mga drayber, matapos ang sunod-sunod na taas-presyo ng produktong petrolyo, sanhi para mag-reklamo ang mga PUV driver kaya naman inihihirit na nila ang P3 taas-pasahe.

Sinabi naman ni Sarmiento na nakasaad sa Section 82 ng Republic Act 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) na pwedeng ayudahan ng gobyerno ang mga tsuper na apektado sa patuloy na oil price hike.


Ayon sa kanya, puwede na magbigay ng subsidiya ang gobyerno dahil nangyari na raw ito noong 2018 at 2019 kung saan binigyan ang mga drayber ng tulong para pantawid sa kanila muna.


Idinagdag pa ni Sarmiento na taasan din ang kapasidad sa pampublikong sasakyan dahil marami nang tao sa Metro Manila ang nabakunahan na.