Monday, October 25, 2021

700 NA DONASYONG TESTING MACHINE, NAKATENGGA

Isiniwalat ni Anakalusugan Rep. Michael Defensor na mayroon umanong 700 test machines na donasyon sa Pilipinas at maaaring gamitin para ma-detect ang COVID-19 virus sa loob ng 45 minuto ang hindi ginagamit ng gobyerno.


Sinabi ni Defensor, nagbigay ang Global Fund to Fight AIDS, Tuberculosis and Malaria ng mga GeneXpert machine sa Department of Health (DOH) upang mabilis mabilis na ma-diagnose ang TB kasama na ang multidrug-resistant TB.


Naglabas na ang World Health Organization (WHO) ng panuntunan kaugnay ng paggamit ng TB laboratories bilang COVID-19 testing sites.


Ngunit ayon kay Defensor, nais ng Health Facilities and Services Licensing Bureau ng DOH na kumuha umano ng lisensya ang mga TB laboratories bago payagang mag-test ng coronavirus.


“The problem, as usual, is bureaucratic red tape, as if we are not in the middle of a public health emergency,” punto ni Defensor.


Kung gagamitin umano ang mga GeneXpert unit ay magiging halos 1,000 na ang mga COVID-19 testing laboratory sa bansa na magpapabilis sa COVID-19 testing.


“The DOH should harness all our GeneXpert machines to help put a downward pressure on the elevated cost of COVID-19 testing services offered by private laboratories,” dagdag pa ni Defensor.


Sa kasalukuyan ay mayroong 287 lisensyadong pampubliko at pribadong COVID-19 testing laboratory sa bansa– 118 sa mga ito ay nasa Metro Manila, 80 sa iba pang bahagi ng Luzon, 43 sa Visayas at 46 sa Mindanao.


Sa ilalim ng panukalang 2022 national budget, sinabi ni Defensor na P5.1 bilyon ang inilaan ng DOH para sa “COVID-19 Laboratory Network Commodities”.


“But if the DOH will simply mobilize all our GeneXpert units for COVID-19 testing, then there may be no need for the government to buy additional RT-PCR machines,” punto ni Defensor.


Ang kailangan na lamang umanong bilhin ng DOH ay mga cartridge-based Xpert Xpress SARS-Cov-2 test kit na gagamit ng GeneXpert machines sa pag-detect ng COVID-19.