Monday, September 13, 2021

-SARA-BONGBONG, BAGAY MAGING MAGKA-TANDEM SA 2022 ELECTIONS AYON KAY REP. BERNOS NG ABRA

Bagay na maging katandem ni Davao City Mayor Sara Duterte si dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. o BBM ngayong darating na 2022 national elections sa susunod na taon.


Ito ang naging pahayag ni Abra Rep. Joseph Bernos, vice president ng Hugpong Para kay Sara o HPS kahapon sa official launching ng HPS, ng kanyang sinabi na  ang North-South formula ay isang mabisang kombinasyon upang manalo sa eleksyon.


Ayon kay Bernos, maaring maging bias siya sapagkat isang Ilocano at taga-norte siya ngunit yung north tsaka south ay isang subok nang formula at sa palagay daw niya, most logical choice umano si BBM sa vice presidential position.


Sa isang statement, sinabi naman ni Bernos na ang Duterte-Marcos tandem ay “best team” na kayang magpalakad ng bansa dahil sa kanilang mga karanasan at puso para sa mga ordinaryong mamamayan.


Inilungsad ang HPS sa kabila ng pahayag ni Mayor Duterte na hindi ito tatakbo sa isang national position matapos ianunsyo ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo ito sa pagkabise presidente.








Samantala, Nais ng mga sumusuporta kay Davao City Mayor Sara Duterte na umatras si Pangulong Rodrigo Duterte sa plano nito na tumakbo sa pagkabise presidente sa 2022 elections.


Sa opisyal na paglulungsad noong Lunes, iginiit ng citizen’s movement na Hugpong Para kay Sara (HPS) na si Mayor Duterte ang dapat na pumalit sa kanyang ama.


Naniniwala si dating Davao del Norte Governor at HPS Chairman Anthony Del Rosario na makikita ng Pangulo ang public clamor para sa kanyang anak na maging susunod na presidente.


“We hope we will be able to convince the President to reconsider his plans for 2022,” sabi ni Del Rosario.