Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Committe on Good Government and Public Accountability sa Kamara, wala umanong naganap na overpricing sa pagbili ng Procurement Services-Department of Budget and Management (PS-DBM) sa pandemic supplies tulad ng mga Personal Protective Equipments (PPEs), face mask at iba pa kabilang ang transaksyon sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Sinabi ni Commission on Audit (COA) Chairman Michael Aguinaldo na hindi nila sinabing overpricing ang procurement ng PS-DBM sa pagdinig na pinamumunuan ni Diwa Partylist Rep. Michael Aglipay, Chairman ng Komite.
Pinahayag ni Aguinaldo na sa pagbili ng medical supplies ng nasabing tanggapan sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020, wala sa COA report ng PS-DBM ang statement na may overpricing, walang statement hinggil dito at ang obserbasyon ay mas nagsasabi lamang tungkol sa inventory management.
Una nang kinuwestiyon ng mga state auditors ang paglilipat ng Department of Health (DOH) ng P42 bilyong pondo sa PS-DBM para sa pagbili ng nasabing mga medical supplies.
Sa kanyang pahayag iguniit naman ni Aguinaldo na hindi tama na sabihing ang CoA ang nagsabi na may overpriced dahil wala namang sinabi doon sa report.