Bilang totoo sa kanyang salita, inindorso ni Speaker Lord Allan Velasco na maisama sa panukalang 2022 pambansang badyet ang pagbili ng tatlong bagong C-130J na eroplano ng Philippine Air Force (PAF).
Ginawa ni Velasco ang pag-iindorso matapos ang kanyang pakikipagpulong sa mga opisyal ng PAF na pinangunahan ni Commanding General Lt. Gen. Allen Paredes sa Kamara noong Lunes.
(Kasalukuyang isinasagawa ng Kamara ang debate sa plenaryo sa panukalang ₱5.024-trilyong pambansang badyet para sa taong 2022.)
(“We fully support PAF’s modernization and priority projects for next year, particularly its plan to upgrade its fleet by buying brand new and modern aircrafts,” ani Velasco.")
Ipinahayag din ng Pinuno ng Kamara ang kanyang pagpapahalaga at pasasalamat sa PAF sa pagbabantay ng seguridad sa himpapawid ng bansa, pagtugon sa mga kalamidad, at pagdadala ng mga kagamitang medikal at mga suplay sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19.
Matatandaang nangako si Velasco na isasama ang pagbili ng mas maraming mga sasakyang panghimpapawid ng militar sa pambansang badyet nitong 2022 matapos nabumagsak ang isang PAF C-130 na sasakyang eroplano sa lalawigan ng Sulu noongnakaraang Hulyo 4, na pumatay sa halos 45 katao.
Ang sasakyang panghimpapawid, na magdadala ng mga tropa patungo sa isang operasyon laban sa paghihimagsik, ay bumagsak na may sakay na 96 katao.
Sinubukan nitong lumapag sa paliparan ng Jolo, ngunit sumobra sa runway at bumagsak sa kalapit na bayan ng Patikul.
Matapos ang isa sa pinakagimbal-gimbal na aksidente sa himpapawid sa bansa sahanay ng militar, nangako si Velasco na tulungan ang PAF na mapalitan ang nawalang C-130 na eroplano at suportahan ang mga pagsisikap na isaayos at gawing makabagoang armada nito.
(“I can only give my word that we in the House of Representatives will include in the 2022 budget the modernization of the PAF’s fleet and ensure the proper training of personnel in handling modern equipment,” sabi ni Velasco.)
Hinikayat ng Pinuno ng Kapulungan ang Armed Forces of the Philippines na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa nangyaring insidente upang maiwasangmangyari muli ang mga nasabing sakuna.
Nanawagan din ang Speaker para sa isangpagsusuri ng mga protocol ng mga piloto ng PAF pati na rin ng isang imbestigasyon sakaligtasan ng mga runway sa buong bansa, lalo na sa mga lalawigan.
“We acknowledge the importance of our uniformed personnel, as our dear President Duterte himself has done so several times,” ani Velasco. “The least we can do is to ensure that this never happens again.” #