Maaari nang payagan ang mga rehistradong dentista at lisensyadong medical technologists na maglingkod bilang mga tagabakuna laban sa COVID-19 batay sa inaprubahan kahapon na House Bill 9354 ng Committee on Health sa Kamara, na pinamunuan ni Quezon Rep. Angelina Tan, M.D.
Aamyendahan ng nasabing panukala ang Republic Act 11525 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 upang makatulong sa mabisa at mahusay na roll-out ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa bansa.
Bilang may-akda ng pagsasabatas, binigyang diin ni Tan na hindi layon ng panukala na atasan ang mga dentista at mga medical technologists na makilahok sa programa, ngunit ang magbigay ng mga kwalipikasyon at alituntunin para sa mga nagbabalak na magboluntaryo bilang mga tagabakuna.
Inaprubahan din ng Komite ang HB 9633, na magtatatag ng isang National Patient Navigation and Referral System (NPNRS) upang palakasin ang probisyon ng sistemang serbisyo ng pangangalaga sa kalusugan.
Patatatagin at palalawakin nito ang saklawng One Hospital Command System, na sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng paggabaysa mga pasilidad pangkalusugan sa Metro Manila.
Kapag ito ay naisabatas, mapapalawak ang serbisyo nito sa pamamagitan ng pagtatatag ng Regional Patient Navigation at Referral Units sa buong bansa bilangtaga-pagpatupad ng NPNR Center. Ang HB 7546 ay pinagtibay din ng Komite.
Itataguyod nito ang Southern Tagalog Medical Center sa Ibaan, Batangas upangmatugunan ang kakulangan sa mga pasilidad pangkalusugan sa Rehiyon IV-B, pati narin ang pagdagsa ng mga pasyente mula sa kalapit na mga lalawigan, na naghahanapng abot-kayang serbisyo mula sa mga ospital ng pamahalaan.
Samantala, isang technical working group (TWG) ang binuo upang higit pang pag-usapan ang HB 7581, na naglalayong isaayos ang isang Health Economics Unit sailalim ng Department of Health. Inaatasan ng panukalang batas ang pagtatatag ng isangData Bank ng pananaliksik hinggil sa ekonomiyang pangkalusugan na binuo ng yunit, pati na rin ng iba pang mga pampubliko at pribadong grupo upang matulungan ang pamahalaan sa pangangasiwa.
#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV