Nagkakaisang inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kaamara de Representantes kahapon ang House Bill 9562 na naglalayong magpatupad ng maagang pagboto ng mga kwalipikadong senior citizen at mga taong may kapansanan sa pambansa at lokal na halalan.
(Ang panukala ay nakakuha ng 196 pabor na boto.)
Ang maagang pagboto ay itatalaga ng Commission on elections (COMELEC) sa mga pipiliing establisimiyento, pitong araw bago ang petsa ng itinakdang halalan.
Magpapatupad din ng isang malawakang pagpaparehistro, upang matukoy kung sino ang mga kwalipikado sa pribilehiyong ito.
Ang sesyon sa plenaryo kahapon ay pinangunahan ni Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan.
Ipinasa rin ang HB 9557 sa pinal na pagbasa. Layon nito na epektibong kilalanin at pagdedeklara ng mga panggulong kandidato, at pagpapataw ng parusa sa sinumang nanggugulong kandidato na maghahain ng kandidatura.
Kabilang sa layunin nito ang pangangalaga sa integridad ng proseso ng halalan, at tiyakin na ang tunay na saloobin ng taumbayan ang magwawagi sa resulta ng halalan.
Kapag ito ay naisabatas, gagawaran ng kapangyarihan ang COMELEC na magpataw ng multa na hindi bababa ng P100,000 sa sinumang lalabag sa batas.
(Nakakuha ito ng 192 pabor na boto.)
Ang ilan pang panukala na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ay: 1) HB 9575 o “Young Farmers and Fisherfolk Challenge Act”; 2) HB 9576 o “Philippine Bamboo Industry Development Act”; 3) HB 9608 o “No Call, No Text, and No E-mail Registration System Act”; 4) HB 9651, na magpapalakas sa balangkas ng regulasyon sa data privacy protection; 5) HB 9731 o “Philippine High School for Creative Arts System Act”; 6) HB 9785, na magpapalakas sa Commission on Elections; 7) HB 9806 o “Mandatory Nationwide Simultaneous Earthquake and Emergency Preparedeness Drill Act”; at 8 ) HB 9833 o “Revised Wildlife Resources Conservation and Protection Act.”
Samantala, ipinasa na sa ikalawang pagbasa ang HB 9990 o ang “Hidilyn Diaz Act,” na naglalayong ilibre sa buwis ang mga insentibo, gantimpala, bonuses at iba pang uri ng kabayaran na natatanggap ng mga pambansang atleta at tagapagsanay.
Ang sesyon sa plenaryo ngayong araw ay pinangunahan ni Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan.
#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV