Nilinaw kahapon ng mga mambabatas na ang nalalapit na imbestigasyon ng Kamara sa analytics group na OCTA Research ay makakapagbigay-linaw sa kanilang mga datos at pagtataya ukol sa COVID-19, na pinuna dahil nagdulot ito ng pagkalito at pagkatakot sa publiko.
Ang paglilinaw ay isinagawa nina Deputy Speaker Bernadette Herrera at Deputy Majority Leader Jesus "Bong" Suntay sa gitna ng mga alegasyon ng ilang panig na ang nalalapit na imbestigasyon ay isang "witch hunt" sinadya upang siraan ang OCTA.
Ipinaliwanag ni Herrera sa pulong balitaan ng Ugnayan sa Batasan na nais lamang nilang malaman ng maigi king anong methology ang ginagamit ng Octa sa kanilang analytics at para na rin nila ma-contextualize ang mga pronouncement nila.
Interesado daw sila sa Octa Research dahil alam naman natin na kulang tayo sa data analytics at kung ito ay makakatulong sa ating sa bansa, bakit natin pipigilin sila.
Sa parehong pulong balitaan, sinabi ni Suntay na ang mga alegasyon ng witch hunt ay pinakamalayo sa katotohanan at hindi para siraan ang sinuman, lalo na sa gitna ng pandemya.
“We are not here to discredit anyone, especially in this time of the pandemic.
Lahat ng sectors na gustong tumulong sa ating bansa — whether it is the government, the private sectors or NGOs—we have to work together,” ayon sakinatawan mula Quezon City.
Sina Herrera at Suntay ay kabilang sa mga may-akda ng House Resolution No. 2075 na hinihimok ang Komite ng Good Government and Public Accountability saKapulungan ng mga Kinatawan, na magsagawa ng isang pagsisiyasat sa mgakwalipikasyon, pamamaraan ng pananaliksik, samahan at komposisyon ng OCTA Research Philippines.
Ang resolusyon ay inihain matapos batikusin ni Dr. Edsel Salvana, miyembro ng pamahalaan sa Technical Advisory Group laban sa COVID-19, ang OCTA sa diumano’y hindi nila magandang pagtataya at paghahasik ng pagkatakotsa nakararami.
Ipinahayag nina Herrera at Suntay na aanyayahan ng Kapulungan ang mga opisyal ng Department of Health (DOH) at iba pang mga dalubhasa sa kalusugan sa pagdinig, namagaganap sa sandaling bawiin na ang imposisyon ng enhanced communityquarantine sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Suntay, ang pagdinig ay sesentro lamang sa paglilinaw sa mga katanunganmay kinalaman sa pamamaraan na kanilang ginagamit.
“During sa hearing natin, ‘yungtema nito would only be clarificatory questions in order to arrive at the methodology being used.
Since marami ang adamant gamitin ang data coming from the DOH kasi gobyerno, gusto nila ‘yung sa OCTA.
Gusto nating malaman saan ba nanggaling ang basehan ng projections ng OCTA?” ani Suntay.
Ang mga pagtataya at babala ng OCTA Research tungkol sa pandemyang dulot ng COVID-19 ay kinikilala ng pambansang pamahalaan at ng mga pamahalaang lokal, ang pinakahuli dito ay ang hard lockdown na kasalukuyang ipinatutupad sa NCR at iba pang mga lalawigan sa bansa.
Sinabi ni Herrera na pananagutan ng OCTA ang mga pahayag at pagtataya nainilalabas nito at dapat ipaliwanag ang mga detalye ng analitiko nito, lalo na'tmaaapektuhan din nito ang ekonomiya.
“Everytime they release statements may accountability dapat‘ yun. Kasi nagbibigay ka ng data na hindi natin alam kung tumpakna data ba. Kaya nga nagpatawag tayo sa Kongreso, nais naming malaman kung gaano katumpak ang iyong data," ani Herrera.
Sinabi din ng kinatawan ng party-list na Bagong Henerasyon na nakausap na niya siPropesor Ranjit Rye ng OCTA at tiniyak niya na hindi dapat magalala ang grupo tungkolsa imbestigasyon sapagkat ito ang magiging daan para higit silang makilala ng publiko.
“We just want to get to know you better and this is your chance actually na ibahagi salahat kung ano ang methodology ninyo. Dahil kung mas magaling kayo sa DOH or mas maaasahan namin kayo then this is something na makakatulong sa ating bansa,” aniya.
Samantala, dinepensahan naman ni Suntay na ang pagsisiyasat ay hindi pag-aaksayang oras, lalo na't tungkulin nila ito bilang mambabatas. “We believe that any information that we could derive from this hearing and which would be translated to better policies is not a waste of time,” pagtitiyak ni Suntay.
Sinabi din niya na ito ay magsisilbing lugar ng makabuluhang talakayan sa pagitan ng iba't ibang mga grupo, iba't ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor ng saganoon ay sama-sama nilang matulungan ang bansa.
“Eventually, sino ang gagawa ng policy, sino ang gagawa ng legislation based sa magiging impormasyon na makukuhanatin? Hindi ba Kongreso?” ani Suntay.#