Mariing nanawagan si ACT-CIS Partylist Representative Rowena Nina Taduran para sa agarang pagresolba ng pagpatay sa isang miyembro ng media sa Quezon City.
Ayon kay Taduran, ang mga suspek sa pagpaslang kay Gwenn Salamida, dating editor ng tabloid na Remate, ay kailangang managot sa karumal dumal na krimeng ito.
Sinabi ng solon na huwag sanang tigilan ang imbestigasyon at pagtugis sa mga may kinalaman sa pagkamatay ni Salamida at alamin din kung talagang pagnanakaw lang ba ang motibo o may iba pang dahilan ang pagkakabaril sa kapatid natin sa media.
Idinagdag pa ng kongresista nd kapag naisabatas na ang kanyang inakdang Media Workers Welfare Bill, ang mga miyembro ng media na biktima ng krimen, aksidente at iba pang kadahilanan ng kamatayan habang aktibong nagta-trabaho sa industriya ay makakakuha ng mga benepisyo sa pamamagitan ng insurance.
Si Salamida, na nagpapatakbo ng salon sa Barangay Apolonio Samson, Quezon City, ay binaril hanggang mapatay ng dalawa kataong sakay ng motorsiko nito lamang linggong ito.
-30-