Sa gitna ng ipatutupad na mahigpit na quarantine classification sa National Capital Region (NCR), sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na ang Kamara de Representantes ay mahigpit na isusulong ang pamamahagi ng pinansyal na ayuda sa lahat ng Pilipino, sa ilalim ng panukalang Bayanihan to Arise as One Act, o Bayanihan 3.
Sinabi ni Salceda sa pulong balitaan kahapon, ang opisyal na posisyon ni Speaker Lord Allan Velasco at ng liderato ng Kapulungan na ituloy ang Bayanihan 3, lalo na ang P216-bilyong pondo para sa dalawang beses na pamamahagi ng pinansyal na ayuda, na nagkakahalaga ng P2,000 na ipagkakaloob sa bawat isa sa 108-milyong Pilipino, anuman ang kanyang katayuan sa buhay.
(“The House is committed to implement this landmark (measure),” ani Salceda, Chairman ng Komite ng Ways and Means sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pulong balitaan ng Ugnayan sa Batasan ngayong araw.)
(“The Philippines should be able to realize that in a crisis such as this, at least we have a policy instrument called Universal Basic Income, which is to give every Filipino citizen an aid from the government because everybody was hurt [by the pandemic] anyway,” dagdag pa niya.)
Sinabi ni Salceda na ang pagsulpot ng COVID-19 Delta variant at ang imposisyon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR at mga karatig lalawigan, ang nagtulak sa Kapulungan upang isulong ang pinansyal na ayuda.
(“Kung ilalagay mo sa ECQ lahat, lahat bibigyan mo,” ani Salceda, na binanggit na ang mga nasa Calabarzon ay dapat na pagkalooban ng pinansyal na ayuda.)
Sa naturang pulong balitaan, binanggit ni Salceda na nakasalalay sa malawakang pagbabakuna sa COVID-19 ang pagbawi ng ekonomiya ng bansa.
“We may not be able to recover in the fourth quarter if you do not have the vaccines. That’s the real issue,” ayon sa Ekonomista ng Kapulungan.
Samantala, tiniyak ni Salceda na ang pagsususpindi ng mga sesyon sa Kapulungan ay dahil sa ECQ, at ang medical leave ni Budget Secretary Wendel Avisado ay hindi magiging dahilan ng pagkaantala sa pagpasa ng 2022 pambansang badyet.
“We will still hold Committee Hearings despite the ECQ,” ani Salceda, na siya ring Vice Chairman ng Komite ng Appropriations.
Sinabi niya na mayroon pang panahon ang Department of Budget and Management (DBM) hanggang ika-26 ng Agosto, upang isumite sa Kapulungan ang National Expenditure Program para sa 2022.
Hinggil naman sa medical leave ni Avisado, sinabi ni Salceda na sa lahat ng mga departamento sa Ehekutibo, ang DBM ang siyang may pinakamatatag na technocracy at burokrasya.
“I hope he (Avisado) gets well. Hindi ko naman sinasabi na hindi siya importante, but I think we have a very strong DBM technocracy, and the House can [still] do committee hearings on the budgets of various departments,” ani Salceda. #